DORY
NAGPATULOY lang ang mga araw na naging mga linggo na naging mga buwan. Jaguar and I continued what we usually do for our everyday life. Asaran, banatan, sakitan, and the worst, kagatan.
"Aray! Kagat ka nang kagat!" bulyaw ko sa kaniya pagkatapos niya akong kagatin sa braso sa 'di ko na mabilang na beses.
Nginisian niya lang ako at humagikhik pa na parang isang batang ulol. Potangena! Ang sakit ng braso ko!
Napatingin ako sa parteng kinagat niya at sobra akong nagulat nang makitang natuklap ang balat nito, pero buti na lang at hindi naman ito dumudugo.
"Hoy! Tangena ka! Nagsugat 'yong kagat mo!" reklamo ko at ipinakita sa kaniya ang braso kong kinagat niya.
Tiningnan niya lang ito at pumeke ng gulat na reaksyon. Wow, pak this shet!
"Ha? Hindi ako ang gumawa nʼyan, ah! Imbento 'to!" pagmamaang-maangan niya kung kayaʼt sinamaan ko lang siya ng tingin.
Muli kong tiningnan ang kagat niyang naging sugat. Shet! Magiging peklat na naman 'to. Punong-puno na ng peklat ang braso ko dahil sa mga lecheng kagat niya!
"Hindi porke Jaguar ang pangalan mo, bigla-bigla ka na lang mangangagat bigla!" bulyaw ko sa kaniya.
Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin at tiningnan ako nang diretso sa mga mata. "Edi bigyan mo ako ng nickname."
Hmm... Me giving him a nickname? Mukhang masaya 'to!
Unti-unti akong napangiti. "Talaga?"
Tumango naman siya dahilan para mapapalakpak ako sa tuwa.
"Uhm..." Napahawak ako sa baba ko at nagkunwaring nag-iisip para mainis siya. Mayamaya, pinitik ko ang mga daliri ko at binatukan siya.
"Alam ko na! Unggoy na lang!" suggestion ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin dahilan para mapangisi ako.
"'Yong mas disente naman! 'Yong pwede ko rin magamit para hindi na ako tawaging Jaguar." Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ito.
Napanguso naman ako at kunwaring nag-isip ulit. Muli kong ipinitik ang mga daliri ko at ibinagsak sa lamesa ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Gago na lang!" sigaw ko dahilan para mapatingin sa amin ang mga kaklase namin. Pareho na lang kaming nag-peace sign sa mga ito.
"Ang panget mo talaga! Pakyu!" Sinamaan niya ako ng tingin habang nakanguso dahilan para mapahalakhak ako.
"Fine!" Sumandal ako sa upuan ko at nag-isip pa nang mas mabuti.
Pagkatapos ng ilang segundo, muli akong napatingin sa katabi kong ulol. "How about Jago?"
Nakangiwing napatingin naman siya sa 'kin. Akmang kokontrahin na sana niya ako nang bigla siyang matigilan. "Actually, okay 'yon, ah?"
"Kitams! Ang galing ko talaga!" Napangisi ako. Minsan na nga lang tamaan ng talino, sa kagaguhan pa nagamit. Ayos!
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...