Chapter 50 ~ The things we have to let go

93 4 0
                                    

♪ imahe - magnus haven ♪

♪ imahe - magnus haven ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

PAGKATAPOS ng nangyari noong gabing 'yon, maagang umalis si Jago sa bahay. Ni hindi na siya nakapagpaalam pa kanila Mama. Halatang nagtataka naman ang pamilya ko kung anoʼng nangyari pero hindi na nila ako tinanong pa nang makitang wala akong ganang magkwento.

Ilang buwan na ang lumipas at hindi pa rin kami nag-uusap. Noong gabing 'yon ang naging huling pag-uusap namin. Nagkakatagpo kami sa university at kapag nagkakaroon ng gala ang barkada, pero hindi kami nag-uusap o nagpapansinan man lang.

We were back to being total strangers.

Sa kabilang banda naman, binabalitaan ako ni Orange tungkol sa mga bagong impormasyob na nakukuha niya. Nagliliwanag ang ilaw ng pag-asa ko na makita muli si Moose, pero habang tumatagal, unti-unti na itong napundi hanggang sa tuluyan na itong dumilim.

Natapos ang imbestigasyon namin tungkol sa kapatid ko. Wala na kaming ibang ebidensya na nakita, o impormasyon na nakalap.

Nagbalik sa 'kin ang lahat ng sinabi ng mga tao sa paligid ko. Nasa harapan ko na ang katotohanan, pero pilit ko pa ring sinusubukang tumingin sa ibang direksyon.

"'Yong kapatid ko... Ang kapatid ko..." Naaalala ko kung paano ako tahimik na umiyak noʼn nang kailangan na naming itigil ni Orange ang imbestigasyon namin. Tuluyan nang nawala ang katiting kong pag-asa na buhay pa ang kapatid ko.

Pero ganoʼn pa man, pilit kong tinatagan ang sarili ko. Alam ko naman na walang magagawa ang pag-iyak o pagwawala ko. Ang tanging magagawa ko lang ay maging malakas para sa pamilya, mga kaibigan... at sarili ko.

Kailangan ko nang harapin nang may ngiti sa labi ko ang mapait na realidad.

I have to face a new life without my brother by my side.

Sa 'ming dalawa naman ni Jago... Hindi ko na alam ang mangyayari. Base sa mga huli niyang sinabi sa 'kin, naging klaro na naglalaro lang kaming dalawa ng isang laro — isang laro ng pag-ibig.

Isang laro kung saan natalo ako, dahil nagawa ko siyang mahalin sa puntong handa akong magmakaawa sa kaniya para manatili sa tabi ko.

Pero hindi ko na gagawin 'yon.

Hindi na ako magpapabulag pa sa pagmamahal ko sa kaniya. Sa pagkakataong ito, magiging makasarili ulit ako sa pamamagitan ng pagpili sa sarili ko.

~~~~~~

Makalipas ang dalawang taon...

"FLAVIER, Doremi Fayso!"

Napangiti ako at naglakad patungo sa gitna ng stage. Nakakasilaw man ang maliliwanag na mga ilaw mula sa mga photographer, namataan ko pa rin ang mga kaibigan ko na abala sa pagtsi-cheer sa 'kin. Nilagpasan ko lang ng tingin si Jago na natanaw kong nakatingin sa direksyon ko.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon