Chapter 33 ~ The Return

93 4 0
                                    

♪ tell me where it hurts - mymp ♪

♪ tell me where it hurts - mymp ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

"MA, oh! Ayaw maniwala ni Moose! Tatlong kutsarita lang ng asukal ang ilalagay dito, 'di ba? Halos ibuhos niya na lahat ng asukal sa bowl niya!" reklamo ko kanina pa kay Mama. Depota kasi itong si Moose! Ayaw sundin 'yong nasa libro. Kesyo 'itʼs experiment timeʼ daw. Like, what the pak?! Paano ka makakagawa ng cupcake nang walang itlog?!

"Pabayaan mo na 'yang si Bunsusoy. Bata pa lang, nakikitaan na natin siya ng mga simptomas, 'di ba?" natatawang sagot ni Mama na abala sa paghahalo ng ingredients para sa ibi-bake niyang cookies.

"Bunsusoy?" Humagikhik si Jago na nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit nandito ito. Sabi ni Mama, quality family time ang gagawin naming pagbi-bake pero nandito si Jago. Ewan ko ba at tuwang-tuwa itong si Mama sa kaniya. Kulang na lang, ampunin siya.

"Ang panget niyo," nakasimangot na sabi ni Moose na animoʼy paiyak na.

"Magkapatid tayo, tanga," sabat ko naman. Binelatan niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa niyang experiment-kuno.

Ilang araw na ang nakalipas magmula noong sinabi ni Mama na hindi na siya aalis ng Pilipinas. Masaya kami ni Moose dahil doon pero syempre, medyo nag-a-adjust rin kami. Hindi na rin kasi kami sanay na kasama siya. Syempre, hindi maiiwasang manibago lalo, naʼt ilang taon din namin siyang hindi nakasama.

"Ma, ano nga po pa lang trabaho niyo noong nasa Greece kayo?" tanong ni Jago kay Mama. Pasimple naman akong napairap. Sipsip!

"Caregiver, hijo. Matandang na-stroke ang inaalagaan ko doon. Mababait naman ang mga amo ko kaya pinayagan nila akong umuwi ng Pilipinas kada taon. Nang matapos ang kontrata ko doʼn, umuwi na ako dito para makasama ko ang dalawang ito." Kapwa niya kaming hinila ni Moose at niyakap. Hinalikan niya pa kami sa mga pisngi namin dahilan para agad kaming mapangiwi.

"Ikaw, hijo, nasaan ang mga magulang mo?" nakangiting tanong naman ni Mama kay Jago.

Bahagya namang natigilan si Jago. "N-Nandito rin po sa Richmond Fields. Pero..." Natigil siya sa pagsasalita at napansin ko ang unti-unting pagliit ng ngiti niya.

"Pero?" pag-uulit naman ni Moose kung kayaʼt pasimple ko siyang siniko.

"Pero balak po ni Mama na mag-abroad para magtrabaho. S-Si Papa naman, gustong tumira sa probinsya. Balak po siyang samahan ng ate at kuya ko doon."

Natahimik kaming lahat.

"So... baka sa probinsya na tayo tumira next year?" tanong ko.

Umiling siya at pilit na ngumiti. "Sila lang. Magpapaiwan ako dito... kasama si Kuya Ger."

"Bakit?" tanong ko uli.

Imbes na sagutin ako, ngumiti lang siya at nagpatuloy sa ginagawa niya kanina. Hindi na lang ulit ako nagtanong pa. Kahit sina Mama at Moose ay tumahimik na rin.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon