Chapter 3 ~ From the top

107 4 0
                                    

A/N: Magkaka-alternate ang chapters between the past and present events of the story. 'Wag po kayo malilito since may nakalagay naman sa bawat start ng chapter if flashback or hindi siya. 'Yon lang. Enjoy! 

♪ magbalik - callalily ♪

♪ magbalik - callalily ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Four years ago...

TAWA lang kami nang tawa ng best friend kong si Mary Ann sa loob ng classroom. Lumipat pa talaga siya sa tabi ko para lang magkwento ng kung ano-ano pero heto kami ngayon, halos mamatay-matay na sa kakatawa.

"Okay, class!" Kapwa kaming natigil sa pagkukulitan nang biglang dumating ang adviser namin. "Dahil maaga-aga pa naman ang school year, may humabol sa ating estudyante galing sa kabilang section. Welcome niyo siya, ha?"

Dahil sa anunsyo ng adviser namin, napatingin ang buong klase sa direksyon ng pintuan. Sumenyas naman ang adviser namin sa bagong salta na nasa labas na pumasok. Makalipas ang ilang sandali, tuluyan na ngang pumasok sa loob ng room ang isang lalaki.

Matangkad, moreno, payat. Sa unang tingin, masasabi mo namang may itsura siya. Mukha nga lang mahiyain pero bibigay rin 'yan kapag lumipas.

"Uy, gwapings!" Napasipol si Mary dahilan para matawa na lang ako.

"Tanga, manahimik ka. Marinig ka nʼyan," saway ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako at kumaway sa bago naming kaklase.

"Good morning, everyone. My name is Jaguar... Jaguar Madi," pagpapakilala ng bagong salta sa amin.

Sa isang iglap, napuno ng tawanan ang buong classroom dahil sa pangalan niya. Mukha mang naiilang, pilit na tumawa na lang din siya.

"Pwede ka ba naming tawaging Tiger?" tanong ni Mary dahilan para muling magtawanan ang klase.

"Well... Hindi pwede kasi 'yong kuya ko 'yon," sagot naman ni Jaguar dahilan para mas lalong lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko. Kahit ako, natawa na lang din kasi parang tangang nagwawala si Mary sa upuan niya.

Pero makalipas ang ilang sandali, unti-untu kaming natigil nang makitang seryoso lang si Jaguar at hindi umiimik.

"Luh! Seryoso 'yon?!" tanong ng isa naming kaklase. Tumango naman si Jaguar dahilan para mistulang namangha ang mga kaklase kong tukmol.

Pero wow, ha? Jaguar ang pangalan niya tapos Tiger naman 'yong kapatid niya. Pwede silang tawaging Cat Silbings. Wow! So kewl!

"Okay, thatʼs good, Jaguar! I hope youʼll feel at home dito. Mababait 'yang mga kaklase mo kahit may saltik minsan," giit ng adviser namin nang matapos na si Jaguar sa pagpapakilala. "You can sit beside... Dory. That girl over there. Mary Ann, shoopi."

"Maʼam?!" agad na protesta ni Mary na nakaupo sa tabi ko kung saan pinapaupo ang bago naming kaklase.

"Mag-iingay lang kayo ni Dory. Now, move," giit ng adviser namin kung kayaʼt sa huli, walang nagawa si Mary kundi umusog ng isang upuan. Umupo naman si Jaguar sa upuang katabi ko kung saan pinalayas si Mary.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon