♪ harana - parokya ni edgar ♪
DORY
"JEO, ito! Ang cute!" tawag ko kay Jeo sabay turo sa nakita kong pink na gitara. May mga stickers pa ito ni Patrick Star. Cute, potangina!
"Oo nga, 'no?" giit niya nang tingnan ang tinuturo ko. Proud naman akong napangiti.
"Pero mas may cute pa dito," sabi ko dahilan para lumingon siya sa 'kin hawak-hawak ang gitara. Ang cute niyang tingnan, lalo naʼt nakasuot siya ng pink na t-shirt.
"Ano?" Bahagya siyang napakunot-noo.
Napangisi ako. "Tingin ka sa salamin," banat ko dahilan para pabiro siyang mapangiwi.
Akmang magsasalita na sana siya nang bigla na lang umakbay sa 'kin ang isang unggoy. Dahil mas malaki siya sa 'kin, muntik na tuloy akong matumba. Anoʼng tingin niya sa 'kin? Sanga ng puno para lambitinan?!
"Mas cute ako!" pang-i-epal ni Jago na halos mawala na ang mga mata sa laki ng ngiti niya.
Nablanko naman ang mukha ni Jeo at hindi na lang siya pinansin. Kinurot ko naman ang ungggoy sa tagiliran para bitawan ako pero hindi siya nagpatinag. Hayst! Kailan ba matatapos ang paghihirap kong ito?
"Bakit ka ba sumama sa 'min, ha? Pwede naman tayong gumala sa isang araw, eh," reklamo ko sa kamiya. Aakbayan ko dapat siya pero dahil sa lecheng height ko, hindi ko siya magawang maabot nang maayos. Depota!
"Bakit ba? Dami mong reklamo! Gusto mo rin naman akong makita," sabi niya at ngumisi.
Napangiwi naman ako at hinampas siya sa tiyan. Hala! Ang tigas! Ribs yata 'yong nadali ko. Hindi talaga 'to mahal ng nanay niya. Tsk, tsk!
"Asa ka! Sabihin mo, selos ka lang kasi kasama ko si Jeo," pang-aasar ko dahilan para taasan niya ako ng kilay.
Sa isang iglap, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Gusto kong umatras at kumawala sa titigan naming dalawa, pero 'yong mga mata niya, eh... Naka-stuck lang 'yong paningin ko sa mga mata niya, eh! Depota! Ang pogi pero ang sarap sapakin!
"Paano kung sabihin kong oo, mananahimik ka na ba?" tanong niya habang nakapaskil ang isang seryosong ekspresyon sa mukha niya.
Napalunok naman ako.
"K-Kapag sinabi mong oo, tatawa lang ako nang tatawa." Sinubukan kong ngumisi para maasar siya kahit sa loob-looban ko, parang sasabog na ang buong sistema ko. Tangina mo, Jago! Ang lakas talaga ng epekto mo sa 'kin! Hinayupak kang maderpaker ka!
Nag-pout lang siya at binitawan ako. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa isang sulok. Humalukipkip siya habang nakabusangot na nakatingin sa kawalan. Mukhang nagsusuyo ang depota. 'Wag ko kayang suyuin?
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...