Chapter 28 ~ The Talk

95 4 0
                                    

REMI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

"GALIT ka pa rin, ha?" maka-ilang ulit na tanong ni Jago sa 'kin na may kasama pang pagsundot sa pisngi ko. Katulad ng kanina ko pang ginagawa, hindi ko na lang siya pinansin kahit gustong-gusto ko na siyang bigwasan ng hawak kong walis.

Kainis! Imbes na nasa bahay na ako ngayon, nandito pa rin ako sa school at naglilinis ng depotang mini garden na 'to. Hayop kasi 'tong si Jago, dinedemonyo ako kanina sa klase. Ayan tuloy, naparusahan kami!

Pakshetanginamels!

Wait... 'Yon na yata ang pinaka-weird kong mura. Thatʼs so kewl!

"Lagi ka na lang galit! Hindi ka ba naaawa sa 'kin? Lagi mo na lang akong ginaganito!" rinig kong pagda-drama niya pero nagpatuloy lamang ako sa pagwawalis.

'Wag mo siyang pansinin, Remi. Youʼre too kewl for that piece of maderpaking shet. Basta, 'wag mong pansinin. Kahit anoʼng mangyari—

"Watdapak, men?! Bakit mo ako kinagat?!" bulyaw ko sa kaniya at hinawakan ang balikat kong kinagat niya. Immune na ako sa ganitong kahayupan niya pero pakshet kasi, magkakamarka na naman 'to!

"Eh sa ayaw mo na naman akong pansinin, eh! Kaya ayan, naisipan kitang kagatin. Mahiwaga ang kagat ko, nakakagawa ng himala," proud pa niyang sabi habang nakapameywang.

"Ah, talaga? Pwes, kagatin mo na ang sarili mo oras na mahabol kitang hinayupak ka dahil kailangan mo ng matinding himala para magising ka pang tangina ka kapag hinampas kita nitong walis na 'to!" Sinamaan ko siya ng tingin sabay taas ng hawak-hawak kong walis.

Nahihiya naman siyang tumawa. "Joke lang, Remibabes! Ito naman, masyadong highblood. Tanda ka, ghorl?"

"Paʼnong hindi ako maha-highblood sa 'yong gago ka?! Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sa 'kin? Umarte-arte pa kayo ni Clifford na lasing para lang mapag-trip-an kami sa party! Isa kang stupid maderpaker!" bulyaw ko pa sa kanya. Depota siya! Konti na lang talaga at maihahampas ko na sa sa kaniya 'tong hawak kong walis!

"Oy, 'wag ka! Kasabwat namin si Penny noʼn. Ikaw lang ang naloko namin!" giit niya, mukhang proud pa sa kagaguhan niya.

Napasigaw na lang ako dahil sa inis. "Depota ka! Pasalamat ka at kilala kita. Gago ka, pero hindi ka naman manyak! Though, mukha kang manyak na unggoy na naninipol ng mga turista sa zoo but whatevs! Pakyu ka pa rin!" Tinaasan ko siya ng hinpapakyu.

"Masyado kang mapanakit, Remibabes! I hurt!" pagda-drama niya at humawak sa dibdib niya habang kunwaring umiiyak pa. Pota! Mukha siyang unggoy na nabetlogan!

"Dapat lang sa 'yo 'yan! Ang kulit mong gago ka! Tingnan mo, imbes na lumalamon ngayon sa bahay, nandito ako ngayon at nagwawalis. Hayop ka!" bulyaw ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya nang pagkatamis-tamis na para bang napaka-inosente niya. Wala na akong ibang nagawa kundi mapasigaw na lang sa inis. Hobby niya na talagang sirain ang araw ko.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon