♪ pasensya ka na - silent sanctuary ♪
REMI
"SANA naman at um-okay na ang lagay ni Cora." Bumuntong-hininga si Mary sabay higop sa kape niyang nasa tasa.
"'Wag kayong mag-alala. Magiging okay rin siya," nakangiti kong sagot habang nakatingin sa dalawa kong kasama. "Palaban 'yon. 'Di 'yon magpapatalo sa sakit na 'yon."
Ilang linggo na ang lumipas magmula nang malaman namin ang katotohanan tungkol sa sakit ni Cora. Ganoʼn pa man ang sitwasyon, hindi kami pinaghihinaan ng loob. Kailangan namin na maging matatag para kay Cora. Hindi namin pwedeng ipakita sa kaniya na nahihirapan kami dahil mas lalo lang siyang mahihirapan. Ipinagdadasal na lang namin na maging okay ang lahat sa huli.
"Sheʼs right," pagsang-ayon ni Jeo sa sinabi ko. Humigop siya mula sa tasa niya na may lamang kape. "Everything will be okay as long as we believe in Him."
Napangiti ako at tumango-tango. Iginala ko ang paningin ko sa coffee shop na pinasukan namin. Hindi mapigilang ma-relax ng kahit konti lang dahil sa nakakakalmang ambience ng paligid
"'Wag ka nang masyadong ma-stress, Doremi!" Imakbayan ako ni Mary at paulit-ulit na kinutusan. Muntik na tuloy naming matabig ang lamesa namin dahil sa kakulitan niya.
"Words wonʼt relieve how painful this must be for you." Biglang nagsalita si Jeo dahilan para mapatingin kami ni Mary sa kaniya. "But you can always count on us to have your back during these trying times."
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.
Rinig kong pumalatak si Mary bago ilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Nagpapasikat lang 'yan sa 'yo. 'Pag naman ako ang namomroblema, wala siyang pa-comfort na ganʼyan, eh. Ramdam na ramdam ko ang favoritism."
"I can hear you," walang kaemo-emosyong sambit ni Jeo dahilan para matawa na lang kami ni Mary Ann.
"Anyways... Okay ka na ba tungkol doʼn sa kapatid mo?" tanong ni Mary na nakaakbay pa rin sa 'kin.
Pumilit ako ng isang ngiti at humigop ng malamig na frappé na binili ko. "Iʼm still coping, pero okay naman na ako," sagot ko na lamang habang nakangiti sa kanila.
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi na ako umaasang buhay pa ang kapatid ko — tinatago lang mula sa aming lahat. Malapit nang mag-tatlong taon pagkatapos niyang mawala, pero naniniwala pa rin ako sa sinasabi ng puso ko na buhay pa siya. Ayoko lang na masyadong isipin ang tungkol doon dahil gusto ko nang ituon ang atensyon ko sa mga taong kasama ko pa.
Siguro nga, tama si Jago — Selfish ako. Pero ngayon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging better version ng sarili ko. Gagawin ko ang lahat para sa mga taong mahal ko.
"Thatʼs good to hear," nakangiting sabi ni Mary at muling ginulo ang buhok ko.
Biglang tumunog ang phone ko na nasa lamesa dahilan para mapukaw nito ang tingin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tunatawag sa 'kin si Jago. Pansin kong napatingin din dito ang mga kasama ko kung kayaʼt agad ko itong hinablot at umalis sa pagkakaakbay ni Mary sa 'kin.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Fiksi Remaja(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...