♪ tulad mo - tj monterde ♪
DORY
HINDI ko napansin ang mabilis na paglipas ng mga araw. Next thing I know, tapos na ang school year at bakasyon na namin.
"Tara, Tita! Beach tayo!" aya ni Moose kay Tita Mommy na busy sa paghahanap ng mapupuntahan namin ngayong summer.
"Ano? Bitch tayo?" naguguluhang tanong ni Tita dahilan para mapakamot na lang si Moose sa ulo niya. Humagalpak naman ako ng tawa.
"Tawa si monkey, oh!" pang-aasar ni Moose sa 'kin. Agad ko naman siyang binato ng unan at hindi naman ako nabigo dahil tumama ito sa panget niyang pagmumukha. Shutangina ka talaga, brader!
"Sinong monkey?" naguguluhang tanong uli ni Tita. Buti na lang at wala siyang alam kundi baka ibugaw niya pa ako mismo kay Jago. Pwede naman, pero 'wag!
Patuloy na naghanap sina Tita at Moose ng summer destination namin. Habang ako, wala lang. Kain is life. Iniisip ko rin kung paano kami ni Jago. Magiging LDR kami ngayon nʼyan. Ulol ka, Dory! Walang kayo. Hay, tangina. Binu-burn ko lang sarili ko eh.
Nagpunta ako ng kusina para kumuha pa ng makakain. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko at tiningnan. Putanginaaa! New message from asawa ko — este Jago, future asawa ko. Nyehehehe!
4:27 PM
demonyong unggoy (ko?):
Psst
You:
Oh?
demonyong unggoy (ko?):
Ohblong
You:
Bahala ka nga dyan
demonyong unggoy (ko?):
HAHAHAHA
Seen ✔️
demonyong unggoy (ko?):
As if naman matitiis mo ko 😏
4:30 PM
demonyong unggoy (ko?):
Sabi ko nga
4:35 PM
demonyong unggoy (ko?):
Di mo na ko lab?
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...