♪ lumalapit - the juans ♪
REMI
"SALAMAT pala sa pagdala sa 'kin doʼn sa airport, ha?" Napapikit ako at isinandal ang nananakit kong ulo sa headboard ng passengerʼs seat na kinauupuan ko.
"No worries. Did it work though?" tanong ni Jeo. Nakatuon man ang atensyon niya sa pagmamaneho, mayaʼt maya siyang sumusulyap sa 'kin na para bang tsini-check ako.
"Kung ang sinasabi mo ay gumana siya para sumakit ang ngalangala ko, pwes, oo. Solve na solve ako," biro ko na ikinatawa naman naming dalawa.
"Pero seryoso... Salamat." Lumingon ako sa kaniya nang may ngiti sa labi ko. "Hindi ko alam kung anoʼng mangyayari kung hindi ko nailabas lahat ng 'to."
Bahagya siyang napatingin sa 'kin pero agad niyang ibinalik ang tingin sa daan, nagbabadyang umangat ang gilid ng labi niya. "Iʼm glad I could help. Screaming your pain out is much better than breaking in silence."
Ngumiti na lang ako at muling napapikit.
Napakalaking sakit sa ulo nitong mga huling lumipas na buwan. Ngayon ko lang na-realize na ang dami ko na rin palang pinagdaanan sa buhay. Pero nagawa kong lagpasan ang lahat ng 'yon at dahil 'yon sa mga taong nasa paligid ko.
Hindi ako malakas na tao, pero naging malakas ako dahil sa mga taong mahal ko. Ginagawa tayong malakas ng pagmamahal sa puntong nagagawa nating lagpasan ang lahat ng problemang dumarating sa buhay natin.
Basag na basag na ang linyang ito, pero sa tingin ko, everything really does happen for a reason. Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng problemang hindi natin masosolusyonan. Hindi Niya tayo binibigyan ng problema para paghinaan tayo ng loob. Binibigyan Niya tayo ng problema dahil alam niyang malakas tayo para malagpasan ito.
Kinuha Niya na ang mga taong importante sa 'kin. Sina Tito Wendell, Kuya Aries, si Moose, at si Cora. At hindi na ako nalulungkot doʼn.
Death is a part of life, and itʼs about time that I should accept that fact.
Walang taong gustong mawalan ng minamahal sa buhay, pero wala na tayong ibang magagawa kundi ngumiti at tanggapin na nasa mabuti at payapang lugar na sila ngayon
Alam kong malalagpasan ko rin ang lahat ng ito. May rason ang lahat ng nangyari sa buhay ko, at ang rason na 'yon ay para maging sino ako ngayon.
Someone who is strong enough to accept the reality of life.
~~~~~~
MAKALIPAS ang ilang araw, napagdesisyunan na ni Tito David na tapusin ang pagdurusa ng anak niya. Pagkatapos naming sabihin ang mga huli naming pamamaalam sa kaniya, pinindot na ng doktor ang machine at pinatay ito. Umiyak kaming lahat dahil alam na namin ang mangyayari sa mga susunod na sandali.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Novela Juvenil(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...