Chapter 2 ~ Trouble begins with J

111 4 0
                                    

REMI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

PRINCIPALʼS office? Check!

Principal na kalbo pero may napakalagong balbas? Check!

Isang gagong maderpaker na siyang dahilan kung bakit nandito ako? Checkingina!

"Ano ba talagang nangyari dito?!" Inihampas ng principal ang mga kamay niya sa lamesa na pareho naming ikinagulantang ni Jago. Iʼm a tough cookie and super gwapo pa, pero hindi naman ako immune sa mga pagulat effect nito.

Napatingin ako kay Jago na nakayuko lang ngunit kitang-kita kong pangisi-ngisi lang siya. Habang ako naman, chin up at confident sa kapogian ko. Syempre, kailangan mukhang matapang kahit pakiramdam ko, mapapatili na lang ako dahil sa nakakatakot naming principal na mukhang hybrid ng dragon at leon na kalbo.

Walang nagsasalita ni isa sa amin ni Jago. Pwede ko bang sabihin na ginulpi ko ang gagong 'to dahil hinalikan 'yong kamay ko? Baka sabihan pang ang arte ko. Depota! Masapak ko pa ang ulo nito ni Saitama-wannabe.

Huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili. "Sir, ang totoo po kasi nʼyan—"

Hindi na ako natuloy sa sasabihin ko nang bigla na lamang umuubo nang malakas si Jago, paulit-ulit na para bang hindi na makahinga nang maayos.

"Jaguar! Anoʼng nangyayari sa 'yo?!" natatarantang sigaw ni Sir Saitama at agad na inalo si Jago na mukhang nauulol na.

Kahit ako, biglang kinabahan sa nangyayari. Akmang tutulungan ko na rin sana ang gago nang saglit siyang napatingin sa 'kin. Natigilan ako nang bigla siyang ngumiti at kumindat. Gulat man, hindi ko mapigilang mapangisi na lang din nang ma-realize kung anoʼng ginagawa niya.

"Ms. Flavier, kumuha ka ng tubig!" utos ng principal naming oblak sa 'kin. Dali-dali naman akong kumuha ng plastic cup at nilagyan ito ng tubig mula sa water dispenser. Galing ng acting ko! Greatest actor of all time!

Nang maibigay ko sa principal ang tubig, agad niya itong ipinainom kay Jago na mukhang inaatake sa puso. Hindi ko alam kung ginawang hobby ng principal namin ang pagiging tanga para hindi mapansin na uma-acting lang ang gagong 'to. For shitʼs sake, mukha siyang nauulol!

Nang kunwaring mahimasmasan na si Jago, hinawakan niya ang kamay ng principal. "S-Sir, sorry po... Kasalanan ko p-po talaga. Pwede na po ba k-kaming bumalik sa klase namin?" utal-utal niyang sambit at nagpa-cute pa. Pero in fairness, mukhang paiyak na rin siya. Naks! Actorist!

Dala na rin siguro ng takot — o katangahan — um-oo si Sir Saitama-wannabe at pinabalik na kami sa klase. Halos mabasag naman ang makinis niyang ulo dahil sa paulit-ulit na pagtapik dito ni Jago bago kami lumabas ng principalʼs office. Gago talaga.

"Ang galing ko talaga! Greatest actor of the century!" pamumuri niya sa sarili habang naglalakad kami sa gitna ng hallway. Ang hangin niya, eʼ mas pogi naman ako sa kaniya.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon