Chapter 34 ~ Right by your side

96 5 0
                                    

♪ with a smile - eraserheads ♪

♪ with a smile - eraserheads ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

"PAPA, saʼn ka pupunta?" tanong ko kay Papa nang makita ko siyang may dala-dalang mga bagahe. Sa unang tingin pa lang, halata nang maraming laman ang mga ito.

Natigilan si Papa at lumingon sa akin. Nakasuot siya ng sumbrero pero gusot-gusot ang suot niyang polo. Pansin ko rin na parang wala siya sa tamang wisyo.

Mula sa pintuan, humakbang siya papalapit sa 'kin. Lumuhod siya upang maging magkasing-lebel kami. Napahawak ako nang maigi sa hawak kong laruang bola ng basketball dahil muntik ko na itong mabitawan.

"Saʼn ka punta, Pa? Aalis po kayo? Pwede po sumama?" tanong ko, walang kaalam-alam.

Ngumiti si Papa at tinapik ang ulo ko.

"May pupuntahan lang si Papa, ha. Babalik din ako. Magpakabait ka, Dory. Alagaan mo ang kapatid mo."

"Saan ka po ba pupunta? Baʼt ayaw niyo po kaming isama?" tanong ko pa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, may hindi tama sa nangyayari.

Sinimulang himasin ni Papa ang ulo ko. "Mabilis lang ako. Pangako, babalik ako. Babalikan ko kayo," nakangiti niyang sagot.

"Pangako 'yan, Papa, ha!" Itinaas ko ang pinky finger ko at hinarap sa kaniya.

Ngumiti naman siya at kinuha ang kamay ko. Pagkatapos, hinawak niya ito sa pisngi niya. Bakit parang umiiyak siya?

"Babalik ako. Pangako 'yan."

Pinilit kong ngumiti kahit sobra akong naguguluhan. Hindi ko man alam ang nangyayari, sigurado akong tutuparin niya ang pangako niya sa 'kin.

Pero lumipas ang napakaraming taon, at hindi ko na ulit siya muling nakita pa.

"Ma, bakit ka umiiyak?" tanong ko kay Mama nang maabutan ko siyang iyak ng iyak sa kwarto nila ni Papa. Sobrang gulo ng kwarto nila na para bang may dumaan na bagyo dito.

Hindi sumagot si Mama. Sa halip, sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Sinunod ko naman siya kahit medyo hindi ako komportable sa kinikilos niya.

"Ma..."

Nang makalapit ako sa kaniya, walang ano-anoʼy bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Muli siyang humagulgol, mas malakas pa sa pag-iyak niya kanina noong hindi pa ako pumapasok dito sa loob ng kwarto.

"M-Mama, anoʼng nangyayari?" Kahit ako, naiiyak na rin. Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan habang pinapakinggan ang bawat hagulgol ni Mama.

"I-Iniwan na tayo ng papa mo... Iniwan niya na tayo!" Dumagundong sa buong madilim na kwarto ang boses niyang puno ng galit at pighati.

"H-Ha? Pero, Ma... M-May pupuntahan lang daw siya. Babalik naman siya, 'di ba? Nangako siya..." Nagsimulang umagos ang mga luha ko.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon