REMI
"REMI, are you okay ba?" Naputol lang ang mga iniisip ko nang bigla na lang tapikin ni Cora ang balikat ko. Napatingin ako sa kaniya at bumungad agad sa 'kin ang pag-aalala sa mga mata niya.
Umiling-iling ako para bumalik sa tamang kamalayan. "O-Oks lang ako..." Tumikhim ako para mawala ang para bang nakabara sa lalamunan ko. "Malapit na ba tayo?"
Masayang tumango-tango naman siya. "Weʼre only a few blocks away. Takte kasi si Clifford, eh! Pa-late pa!" reklamo niya.
Natawa na lang ako. Malapit na kasing magsimula ang school festival pero hindi pa rin dumarating si Clifford sa university. Inutusan kami ni Penny na puntahan siya sa tinutuluyan niya kung kayaʼt wala kaming ibang nagawa ni Cora kundi sumunod.
"What time is it na ba?" tanong ni Cora sa 'kin. Kapwa kaming magkatabi sa backseat ng taxi na tinawagan ni Penny para sa 'min. Kanina pa siya reklamo ng reklamo tungkol kay Clifford. Hindi ko naman na siya masyadong napansin dahil may iba akong iniisip.
Sumilip ako sa phone ko bago sumagot. "Malapit nang mag-alas-cinco. Sabi ni Penny, dapat daw nating madala si Clifford ng kahit mga five-thirty."
Marahas na napabuntong-hininga naman si Cora. "Takte ka talaga, Bangin! Isa kang malaking takte!" mahina niyang sigaw sa sarili niya. Buti na lang at hindi kami masyadong pinapansin ng driver kundi baka isipin niyang mga baliw kami. Well, totoo naman pero 'wag niya na sanang isipin pa. Depota!
Biglang napatingin si Cora sa 'kin, kunot-noo nang magtama ang mga mata namin. "Why are you looking at me? Except sa panget-kuno ako, may dumi ba sa face ko?"
Dali-dali akong napailing para bumalik sa kamalayan. 'Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya.
"Medyo namumutla ka. Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansin na para siyang maputla. Bigla na nga lang siyang nadapa kanina noong naglalakad kami, eh.
Siya naman ang umiling sa 'kin. "Nope! Iʼm better than ever! Siguro dahil medyo pagod lang ako dahil sa preparations and stuff. But Iʼm okay naman," nakangiti niyang sagot kung kayaʼt ngumiti na lang din ako
"Cora..." tawag ko sa kaniya. "Pwede kita tanungin?"
"Sure!" Tumango-tango siya. "About what ba?"
Bigla akong nagdalawang-isip. Alam kong sariwa pa rin 'yong sugat sa puso niya, pero kailangan kong malaman ang opinyon ng iba pang nakaranas ng parehong sakit.
"Medyo sensitive 'tong topic na 'to, ha? Sigurado ka bang okay lang sa 'yo na itanong ko 'to?" babala ko.
Muli naman siyang tumango-tango. "Itʼs okay! Hindi ako sure pero halata namang si eeeng ang tina-try mong i-bring up. So, fire away!"
May pagdududa ko siyang tiningnan pero sa huli, napabuntong-hininga na lang ako. "Sige na nga! Pero siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak. Sa-salvage-im ako ni Penny!"
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Fiksi Remaja(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...