Chapter 14 ~ Not anymore

104 4 0
                                    

REMI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

Makalipas ang isang linggo...

TULALA lang ako habang nakatayo sa isang gilid. Nakakrus ang mga braso ko at nakatingin ako nang diretso sa kawalan. Sobrang ingay ng paligid pero dahil sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko, parang wala lang din ito sa 'kin. Kung may nakakakita man sa 'kin ngayon, iisipin nilang lutang ako pero ang totoo — oo, lutang ako, pero 'wag na nilang isipin. Ang importante, pogi ako. Yeah, yeah, boi!

Naputol lang ang pag-iisip ko nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga bago hinawakan ang kamay na humawak sa 'kin.

"Ang buhay, parang gulong lang 'yan. Minsan nasa taas, madalas, nasa vulcanizing shop," sabi ko at tinapik-tapik ang kamay.

"Ha? Anoʼng pinagsasasabi mo?"

Agad akong napamulat nang hindi ko makilala ang boses ng nagsalita. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang teacher pala ito. Oh my shet! Bistado ako!

"Kulang ng players, sumali ka," giit niya at bago pa ako maka-tumbling paalis, nahila niya na ako papunta sa iba pang mga estudyante sa gilid ng outdoor field.

Ngayon ang pangatlong araw ng Intramurals dito sa Stanford High. Um-absent ako noʼng unang dalawang araw para lang talaga hindi ako makasali sa mga ganitong laro. Pero bakit nga ba ako pumasok ngayong pangatlong araw kung ayokong-ayoko talaga sa event na 'to? Simple lang naman ang sagot.

Hindi ko alam na may pangatlong araw pala.

Kaya heto ako ngayon... Tuluyan nang nahila sa isang laro kahit halos buong araw na akong nakapagtago sa lahat. Bobo ko rin kasi, eh. Umalis pa ako sa CR eʼ magandang hiding spot nga 'yon. Depota kasi, may nagpasabog ng sama ng loob! 'Di ko kinaya 'yong amoy! Ang hayop, hindi pa nagawang buhusan kaya napaalis na lang ako nang wala sa oras! Putahamida na lang talaga.

Sabi nila Penny, tapos na raw maglaro sa sports kaya mga party games with a twist naman daw ang lalaruin ngayong last day ng event. Blue Team daw, ang team ni Jago, ang nangunguna ngayon sa rankings. Huli na ako sa balita dahil wala naman talaga akong pake sa event na 'to. Ni hindi ko nga alam kung anoʼng team ako! Basta, halo-halo 'yong suot ko ngayon — may white, red, yellow, at blue.

Ngayon na nabanggit ko ang suot ko... Mukha pala akong human version ng bandila ng Pilipinas! Depota!

Agawang panyo ang laro kung saan ako hinila ng teacher na hindi ko naman kilala. Nakalinya ang sampung players ng dalawang team at nakaharap sa isaʼt isa, malaki ang distansya sa gitna kung saan nakatayo ang isang teacher na may hawak na panyo. May kaniya-kaniyang number ang mga player. Ang twist? Imbes na simpleng 1, 2, 3 ang babanggitin, magbibigay pa sila ng math equation na sasagutan. Kung sinong number ang magiging sagot ang siyang tatakbo para agawin ang panyo. Sinabi ko na lang sa mga kasama ko na sapakin na lang ako kapag ako na ang tatakbo.

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon