♪ hanggang kailan (umuwi ka na baby) - orange & lemons ♪
REMI
MALAPIT nang kumagat ang dilim ngunit kalat pa rin ang mga estudyante na nagsasaya sa mga booth at special performances ngayon. Kahit pagabi na, buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa nangyayaring kasiyahan.
"Sure ka bang okay dito? Kapag ako nahulog, talagang lagot ka sa 'kin." Sinamaan ko ng tingin si Jago bago umayos ng upo dito sa rooftop ng senior high building. Apat na taon na ako dito sa Stanford High pero ngayon lang ako nakapunta dito. Off limits kasi 'tong rooftop sa mga estudyante pero dahil may event ngayon, napag-trip-an nitong unggoy na umakyat dito dahil wala namang nagbabantay.
"Pfft!" Pabirong inirapan ako ni Jago bago naupo sa tabi ko. "Ano naman ngayon kung mahulog ka? Sasaluhin naman kita," banat niya at kinindatan pa ako dahilan para agad ko siyang taasan ng hinpapakyu na ikinatawa niya naman.
"Gago, seryoso kasi! Kapag talaga nahuli tayo dito, itutulak kita dʼyan." Pabiro ko siyang tinulak kung kayaʼt halos mapatili siya bago bumusangot sa 'kin. Tamo 'to, takot din pala.
"Enjoy-in mo na lang 'yong view, Remibabes. 'Sing-taas ng pride mo 'tong rooftop, oh," biro niya dahilan para samaan ko uli siya ng tingin. Nag-peace sign lang siya sa 'kin kaya napabuntong-hininga na lang ako at tinuon ang tingin ko sa view namin.
Mula dito, kitang-kita namin ang mga estudyante sa baba na nagkakasiyahan. Bahagya akong napangiti habang pinagmamasdan sila. Balang araw, alam kong babalikan ko rin ang mga araw na 'to at aalalahanin lahat ng mga nagawa naming masasayang alaala.
"Minsan ba, gusto mong bumalik sa nakaraan?"
Natigilan ako dahil sa tanong ni Jago. Pero makalipas ang ilang. sandali, napalingon ako sa kaniya. Nakatingin lang siya nang diretso sa mga nakakasiyahang estudyante habang may blankong ekspresyon sa mukha niya. Ito 'yong mga bihirang pagkakataon na makikita ko siyang ganito.
Pinili kong ibalik ang tingin ko sa mga estudyante. "Alam mo, magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi kasi sa totoo lang... Gustong-gusto ko ring bumalik sa nakaraan," sagot ko at bumuntong-hininga ako bago yakapin ang mga nakatupi kong binti.
"Nakakatawa nga, eh. Kasi kaya nga ako nandito ngayon dahil gusto kong takasan 'yong nakaraan. Gustong-gusto kong makawala sa masasamang alaala noon. Gustong-gusto kong makalimot. Pero heto ako, nami-miss din 'yong dati." Mahina akong natawa. "Oo, may mga bagay noon na gusto kong makalimutan. Pero may mga bagay rin na gustong-gusto kong balikan."
Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya. "At isa ka na doʼn."
Napalingon siya sa 'kin, bakas ang gulat sa mukha niya. At habang nakatingin kami sa mga mata ng isaʼt isa, unti-unti kong nakita ang bahid ng lungkot sa kaniya.
"Kahit pareho tayong nasaktan?" tanong niya.
Tipid akong ngumiti. "Minahal kita, Jago. At alam kong minahal kita dahil nasaktan ako. Ganoʼn lang 'yon."
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...