REMI
BUHAY pa ang kapatid ko.
Hindi ako nakakasiguro, pero 'yon ang patuloy kong paniniwalaan. Alam ko sa puso ko na hindi niya pa kami tuluyang iniiwan. Nandʼyan lang siya sa tabi-tabi, tinatago sa 'ming lahat.
Pagkatapos ng nangyari sa 'kapatidʼ ko, ipinakalat na ng media ang tungkol sa nangyayaring pananakot sa mga kaibigan ni Moose. Halos dalawang buwan na ang lumipas nang magsimulang guluhin ng Executioner ang buhay ng mga inosenteng estudyante sa Valle Sella University.
Riddles, attack, chaos — Ayon kay Orange, ilan lang 'yan sa mga bagay na hatid ng pagbabalik ng Executioner sa Valle Sella.
Kung ibabase ko ang nangyayari sa mga sinabi ni Orange, hindi sasaktan ng Executioner ang kapatid ko. Hindi siya ang natagpuang bangkay ng mga pulis sa abandonadong warehouse. 'Yong bracelet and ID naman, maaaring isinuot lang 'yon ng Executioner sa bangkay. Maraming posibilidad, pero ang tanging pinaniniwalaan ko lang ay ang posibilidad na buhay pa ang kapatid ko.
Hindi niya ako iiwan.
Hindi niya kami iiwan.
"Hey..."
Natigil ako sa pagmumunimuni nang marinig ko si Jeo mula sa likuran ko. Lumingon ako at bumungad sa 'kin ang kamay niyang may hawak na isang cone na may lamang chocolate ice cream.
"Salamat." Ngumiti ako at kinuha ito mula sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko habang hawak ang isa pang ice cream na para naman sa kaniya.
Nandito kami ngayong dalawa sa bleachers ng university field. Dumiretso ako dito pagkatapos ng klase para makapag-isip-isip. Ilang linggo na rin ang lumipas nang mangyari ang lahat. Nag-aalala ang mga kaibigan ko sa 'kin, pero nagpakatatag ako katulad ng dati ko pang ginagawa. After all, kumakapit pa rin ako sa pag-asa na buhay pa ang kapatid ko. Naniniwala man ang lahat na wala na siya, pero hindi ako — hindi kami.
"Are you okay?" tanong ni Jeo at doon ko napansin na nakatingin pala siya sa 'kin.
Ilang linggo na rin simula nang mag-transfer siya dito sa RMU. Nakakagulat nga dahil akala namin, sa ibang university siya lilipat, pero pinili niyang magpunta dito.
Muli, ngumiti ako at tumango. "Oo naman. Strong kaya 'to," biro ko sabay flex ng muscle-kuno ko.
Tumawa naman siya pero halatang pilit. Sa totoo lang, 'di ko alam kung paano nila ako napatawad agad pagkatapos ng ginawa kong pag-iwan sa kanila. Napaka-hipokrito ko sa parteng hirap na hirap akong magpatawad noon pero ang dali-dali lang para sa mga taong nagawan ko ng mali na patawarin ako agad.
"Para saʼn nga pala 'tong ice cream?" tanong ko na lang sabay kain sa hawak kong ice cream.
"Well, studies found that consuming chocolate helps improve your mood," paliwanag niya at sinimulan na ring kainin ang ice cream niya. "It stimulates the production of endorphins, the chemicals in the brain that create the feelings of pleasure."
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...