A/N: Back to present muna tayo, mga vadeng!
REMI
AGAD akong napabalikwas ng bangon nang biglang tumunog ang alarm ng phone ko. Napatingin ako sa oras at halos lumipad ako mula sa kinahihigaan ko nang makitang ilang minuto na lang ay mali-late na naman ako.
Matapang ako, not to mention na sobrang pa. Pero ayoko nang mapunta ulit sa office ng principal naming pinaglihi sa charcoal na binabad sa bleach. Sapat na ang nangyari kahapon para manahimik muna ako!
Wala na sina Moose at Tita Mommy nang bumaba ako. Naalala kong may out-of-town trip ngayon si Tita Mommy kung kayaʼt humihilik pa lang ang pwet ko, eʼ nakaalis na siya. Ito namang depotang si Musiko, hindi man lang ako ginising! Putangina talaga!
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Humarap ako sa salamin at isinuot ang pink kong cap. At habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon, muli na namang bumalik sa isip ko ang nangyari kahapon.
"Tsk. Ganʼyan ka naman, eh. Kapag may nangyaring problema, tatakasan mo lang. Dʼyan ka magaling, eh, 'di ba?"
"Sige. Takasan mo lang ulit ang problema, katulad ng lagi mong ginagawa."
Mariin akong napapikit at huminga nang malalim.
Tsk. Bakit ba ako naaapektuhan sa mga sinabi ng gagong 'yon? Hindi na ako 'yong mahinang si Dory na nakilala nila noon. Ibang-iba na ako sa kung sino ako dati. Noong araw na binago ko ang sarili ko, ipinangako kong hinding-hindi na ako magiging mahina. Ipinangako kong hinding-hindi ko na hahayaang masaktan pa ako ng mga taong walang ibang ginawa kundi lokohin lang ako.
Muli akong huminga nang malalim at iminulat ang mga mata ko. Lumabas na ako ng bahay at nag-abang ng tricycle sa tabi ng daan. Pero habang naghihintay, hindi ko mapigilang maalala ang mga nangyari noon.
Bakit pa kasi ako sinundan ng gagong 'yon dito?! Ang saya-saya ko na dito kahit mag-isa lang ako! Bakit niya pa kailangang guluhin na naman ang buhay ko?!
Natigil lang ako sa pagrereklamo sa isip ko nang tumigil ang isang tricycle sa harapan ko. Akmang papasok na sana ako sa loob ngunit agad akong natigilan nang maalala ang insidente kahapon. Dahan-dahan kong sinilip ang loob ng tricycle para tingnan kung nandoon ba ang gagong ayokong makita ang lecheng pagmumukha.
"Uh, 'te? Sasakay ka ba o hindi?" tanong ng tricycle driver dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Agad naman akong natauhan at pumasok na sa loob since wala naman ang iniiwasan kong gago.
Ilang minuto lang ang itinagal ng byahe pero kahit papaano, nakaramdam ako ng kapayapaan. Nang makarating sa tapat ng Stanford High, nagbayad na ako at pumasok na sa loob. Marami-rami na rin ang mga estudyante dahil malapit nang magsimula ang morning ceremony.
Habang naglalakad papasok ng eskwelahan, hindi ko mapigilang maalala ang mga unang taon ko dito.
Third year high school ako noong lumipat ako sa school na 'to. Wala akong kaibigan noon pero masaya pa rin ako sa buhay ko. Less people, less hassle, less disappointment pa.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Fiksi Remaja(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...