♪ ikaw lamang - silent sanctuary ♪
REMI
"Manahimik ka, Musiko! Kahit lumuhod ka pa dʼyan at kumain ng tae, hindi ka pa rin namin isasama!"
"Kadiri ka naman! Magba-basketball lang naman kayo ni Kuya Aries sa labas. Bilis na kasi! Sama na ako!"
"Ayoko! Bleh! Kargado ka pa namin, eh. Alam mo namang pagod pa si Kuya Aries kasi galing siyang field trip. Pauwi na rin sila nila Tito Wendell."
"Pagod daw pero magba-basketball. Ako pa ginawa mong tanga."
"Hindi kita ginagawang tanga kasi tanga ka na talaga. Tsaka, ginagawa kitang tanga kung kalbo ka at sinabi kong magsuklay ka."
"Bwisit ka talaga, Dory!"
"Tamo! Ni kailan, 'di mo 'ko matawag na—"
"Tita Mommy?"
"Tita Mommy, a-ano pong problema? Bakit ka umiiyak?"
"'Di niya raw kasi matanggap na ganʼyan kapangit ang pamangkin niya."
"Musiko, bwisit ka, manahimik ka muna! Tita Mommy, bakit? Ano pong problema?"
"D-Dory... Musiko..."
"Tita... A-Anoʼng problema? Bakit po kayo umiiyak? May nangyari po ba? Tita..."
"M-May tumawag sa 'kin sa ospital. Naaksidente raw ang Tito Wendell at Kuya Aries ninyo. Nagkaroon daw ng pile up sa highway."
"A-Ano..."
"Wala na sila... Wala na ang Tito Wendell at Kuya Aries ninyo... W-Wala na ang asawaʼt anak ko..."
UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang paghaplos ng isang kamay sa ulo ko. Nag-angat ako ng tingin ko at unang bumungad sa 'kin si Jago na nakahiga sa hospital bed.
Parang isang masamang panaginip na bumalik sa 'kin ang nangyari — Kung paano ako sinubukang bastusin noʼng lasing na manyak, kung paano siya naglabas ng patalim, kung paano iniharang ni Jago ang sarili niya para hindi ako masaktan kahit malaki ang tsansa na mapahamak siya sa pagprotekta sa 'kin. Kung paano niya ako pinakiusapang 'wag ko siyang iiwan, kung paano ako paulit-ulit na umiyak dahil takot na takot ako na may mangyaring masama sa kaniya, kung paano ako natakot na muntik na siyang mawala nang dahil sa 'kin.
"Gising ka na..." mahina kong sambit nang makitang mulat na ang mga mata niya.
Sa tantya ko, mahigit isang oras na kaming nandito sa ospital. Buti na lang at mabilis na dumating ang tulong na tinawagan ko. At sa sobrang pagkataranta ko, miski si Penny ay natawagan ko. Nandito na rin siguro siya mayamaya.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...