Chapter 49 ~ Weʼre not okay

94 4 0
                                    

♪ kundiman - silent sanctuary ♪

♪ kundiman - silent sanctuary ♪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMI

"J-JAGO..."

Napatingin sa 'kin ang nanlalaki niyang mga mata. Bahagyang napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa 'kin. Halata ang matinding gulat sa ekspresyon ng mukha niya.

"R-Remi... B-Baʼt gising ka na?" Hindi mawala ang panginginig ng boses niya habang nagsasalita.

Sumulyap ako sa phone ko na nasa kamay niya pero mukhang napansin niya 'ko dahil agad niya itong itinago sa likuran niya.

"Si Orange 'yong kausap mo, 'di ba?" Kumunot ang noo ko nang magkasalubong ang tingin naming dalawa. "Anoʼng sinabi niya sa 'yo?"

Mukha namang nagdadalawang-isip siyang magsalita kung kayaʼt wala na akong ibang nagawa kundi pwersahang kunin mula sa kaniya ang phone ko. Hindi naman na niya ako pinigilan pa at hinayaan na lang na makuha ko ito.

"Naalimpungatan ako dahil sa mga yabag ng paa mo. Narinig ko lahat ng sinabi mo." Nilunok ko ang para bang napakalaking bara sa lalamunan ko.

"May sinabi ba si Orange na tungkol kay Moose? Sabihin mo sa 'kin, Jago. Karapatan kong malaman. Importante ba? Sabihin mo sa 'kin!"

Naririnig ko ang boses kong umaalingawngaw sa buong kwarto. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayokong magising pa ang pamilya ko at marinig ang pinag-uusapan namin.

Imbes na sagutin ako, yumuko lang si Jago at hindi umimik.

Binuksan ko na lang ang phone ko at tiningnan ang call history. Si Orange nga ang tumawag. Kinuha ko ang number niya noong nagkita kami sa huling araw ng burol ni 'Mooseʼ. Pagkatapos noʼn, lagi na kaming nag-uusap para i-update ako sa mga nalalaman niya.

Akmang tatawagan ko na sana ang number ni Orange nang biglang inagaw ni Jago sa 'kin ang phone ko.

"Tumigil na kayo, Remi... Parang awa mo na," walang kaemo-emosyon niyang sabi.

Kunot-noo at nagngingitngit sa galit akong napatingin sa kaniya. "Ano baʼng sinasabi mo? Akin na 'yan! Jago!"

Sinubukan kong kunin mula sa kaniya ang phone ko pero pilit niya itong inilalayo sa 'kin. Nanatili lang siyang nakayuko.

"Remi, please..."

"Ano ba?! Hindi ako nakikipaggaguhan sa 'yo ngayon, Jago! Kapatid ko ang pinag-uusapan natin dito. Sa lahat ng tao dito, ikaw dapat ang naniniwala sa sinasabi ko!"

"Patay na ang kapatid mo! Patay na si Moose..." Tuluyan na niyang iniangat ang ulo niya at tumambad sa 'kin ang lumuluha niyang mga mata. "Wala na siya, Remi... 'Wag mo nang paasahin ang sarili mo. Nasa harapan mo na ang katotohanan pero pilit ka pa ring tumitingin palayo. Tanggapin mo na lang ang totoo na hindi na siya babalik pa."

This Written Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon