(WRITTEN SERIES #2)
Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
REMI
NATAPOS ang araw ko sa paraang hindi ko inaasahan.
"Paʼno na 'yan? Nagkagusto na 'tong si Cora kay Sonson. Patay tayo n'yan," mahinang sambit ni Jago habang patuloy sa pagduyan sa sinasakyan niyang swing. Pabiro man ang tono ng boses niya, halata ang seryosong ekspresyon sa mukha niya.
Napalunok na lamang ako at kumapit nang mahigpit sa kadena ng sinasakyan kong swing. Hindi ko mapigilang paulit-ulit na mapahinga nang malalim at hilamusin ang mukha ko gamit ang mga palad ko.
Hindi pwedeng magustuhan ni Cora si Mason — alam 'yon ni Cora, pero hindi niya pa rin napigilan. At sigurado ako, parehas lang sila ng nararamdaman ni Mason. Pero paano naman si Penny? Mag-best friend si Penny at Cora — Tangina... Parang magkapatid na nga ang turingan ng dalawang 'yon, eh. Oras na magkaalaman na, parehas lang silang masasaktan nang sobra.
Tangina. Paano na 'to?
"Remibabes, okay ka lang?" rinig kong tanong ni Jago pero hindi ko siya pinansin. Pinoproblema ko ang mga pwedeng mangyari kung kayaʼt hindi ko mapigilang matulala na lang at mawala sa wisyo.
Oras na lumabas ang sikreto ni Cora,, magkakagulo ang lahat. Maraming masasaktan, at kabilang na doon sina Penny at Clifford.
Matagal nang gusto ni Penny si Mason, at alam 'yon ni Cora. Magmumukhang trinaydor ni Cora si Penny kapag nagkaalaman na. Si Clifford naman... Naaawa ako sa kaniya. Mahal na mahal niya rin si Cora, simula pa noong junior high pa lang. Napakarami niya nang ginawa para kay Cora. Shit! Siya nga ang tumupad sa wish ni Cora ngayong magpa-Pasko, eh! Siya lang naman ang nagpa-ulan ng fake snow kanina noong nasa school pa kami. Ginawa niya ang lahat ng 'yon para sa kaniya.
Tangina...
"Uy. Okay ka lang-" Hindi na natapos si Jago sa pagsasalita nang agad ko siyang nilingon, kunot-noo habang nagngingitngit sa saglit.
"Hindi! Hindi ako okay!" sigaw ko. "Gusto ni Cora si Mason at alam nating lahat na mahal ni Penny si Mason! 'Yong best friend mo, si Clifford, mahal niya si Cora. Nasa komplikadong sitwasyon ngayon ang mga kaibigan natin at kung hindi natin malulutas 'to, baka magkasira-sira tayo! Sa tingin mo, magiging okay ako doʼn?!"
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa labis na galit at inis. Sa kabilang banda naman, nanlalaki ang mga mata ni Jago sa gulat habang nakatingin sa 'kin.
Depotang pag-ibig 'yan! Napaka-komplikado! Bakit kailangan na laging may nasasaktan? Gusto lang naman ng mga tao na magmahal. Bakit kapag nagmahal ka, kailangang masaktan ka rin? Nakakainis!
"C-Chill ka lang. Maaayos din ang lahat ng 'to." Sinubukan niya akong pakalmahin ngunit mas lalo lang akong kinain ng emosyon ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko pati na rin ng mga tuhod ko. Nagsisimula na rin akong maiyak kung kayaʼt napakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang nararamdaman ko.