♪ your song - parokya ni edgar ♪
REMI
"ANG ganda pala talaga dito sa Richmond Fields, 'no?" giit ni Jago habang nginunguya ang huling piraso ng tapa sa plato niya.
Nandito kaming dalawa ngayon sa bagong bukas na tapsihan sa downtown. Dirty kitchen ang style nito at malaki naman ang espasyo dito, sapat na para magkasaya ang higit sa benteng lamesa. Gabi na kung kayaʼt binuksan na nila ang magagandang fairy lights sa paligid. Marami-rami rin ang mga customer dahil bagong-bago lang ang kainan.
"Maganda na sana kung hindi ka lang lumipat dito," pasaring ko at uminom ng tubig mula sa baso ko.
Bumusangot naman si Jago at agad na nagpa-cute. Umakto na lang akong nasusuka para mas lalo siyang asarin.
"Kung alam ko lang na stalker pala kita, edi sana sa mas malayo na lang ako lumipat." Humalukipkip ako at nagdekwatro.
"Kahit saan ka naman magpunta, hahanapin at hahanapin pa rin kita," banat niya at kinindatan ako dahilan para mapangiwi na lang ako.
Kung dati niya 'yan sinabi sa 'kin noong tanga pa ako at may gusto sa kaniya, baka nangisay na ako sa kilig. Pero ngayon, malapit-lapit na akong mangisay dahil sa kilabot. Tanginang unggoy 'to! Creepy ampota!
"Ang dami mong dada, tara na nga!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumirets sa exit ng kainan. Nagtungo naman si Jago sa cashier para magbayad. Ito lang yata ang magandang nagawa niya sa buhay niya, eh: ang ilibre ang isang poging tulad ko.
Nang makapagbayad na siya, umalis na kami sa kainan. Sabi niya na ihahatid niya raw ako pauwi kaya medyo nakampante ang loob ko. Gabi na kasi at hindi pa ako nakapagpaalam kay Tita Mommy na lumabas ako. Sigurado akong nilalaglag na ako ni Moose ngayon.
Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko at lumilipad sa maikli kong buhok. Buti na lang at suot-suot ko ang pink kong hoodie ngayon kaya hindi ako masyadong nilalamig. So kewl, men!
"Kinikilig ako! First late night walk natin 'to!" biglang komento ni Jago.
Napangiwi naman ako. "Bobo! Late night walk ka dʼyan eʼ alas-sais pa lang ng gabi! Tanga."
"At least, kasama kita ngayon." Kumindat siya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong iniwas at sinamaan siya ng tingin. Depota 'to! Mangho-hokage pa ang unggoy. Betlogan ko siya, eh!
"Magiging last mo na rin 'to kapag hindi ka tumigil, 'ngina mo ka." Pinanlisikan ko siya ng mga mata.
"Ang wild mo naman, Remibabes. Just what I love!" Ngumisi siya kung kayaʼt agad ko siyang nasapak sa braso nang wala sa oras.
Napupuno ang paligid ng ilaw galing sa mga poste at establishments na nakapalibot sa amin. Medyo marami-rami ang mga dumaraang tricycle at sasakyan pero hindi naman ito nakaka-hassle. Gusto ko nga sanang sumakay pero pinagpilitan ng gago na ihahatid niya ako. Walking distance lang din naman kasi sa bahay namin ang downtown kaya sige.
BINABASA MO ANG
This Written Love Story
Teen Fiction(WRITTEN SERIES #2) Asoʼt pusa kung magbangayan sina Remi at Jago. Araw-araw may gera at walang nagpapatalo. Pero sa ilalim ng lahat ng ito, iisang nakaraan lang ang pilit nilang tinatakasan. Mareresolbahan ba nila ang kanilang mga problema? O sa hu...