CHAPTER 1 - Zenbe University

74.8K 1.3K 1.1K
                                    


~The Beginning~

"Oh Alessandra, o' aking giliw, bakit ka nan-lalamig sa akin?" Sambit ni Claire na parang pakanta ang tono. Wala naman akong pakialam sa kaniyang mga sinasabi kaya tiningnan ko nalang siya ng walang kagana-gana.

"Nagtaka kapa eh araw araw 'yan parang nakatira sa antartika, ginaya niya na rin tuloy 'yung lamig doon. She's very cold." Sabi ni Benedict at umiling-iling.

Napatigil ako sa paglalakad sa sinabi ni Benedict. Hindi naman ako nilalamig at hindi rin naman ako nakatira sa antartika. Napatigil din sila kaya kinuha ko na ang pagkakataon para magsalita.

"Benedict I'm not cold, it's so hot nga eh." I stated while pointing at the sun habang ginagamit ko ang isang kamay upang paypayin ko ang aking sarili. Mainit kaya tas cold?

Kinagat ni Claire ang kanyang ibabang labi at hinampas si Benedict sa ulo. Inakbayan niya ako at sinabi: "Don't mind him Sandra, puro katangahan lang kasi ang sinasabi niyan."

Benedict Maverick Bernardo and Claire Bernardo, they are twins and I met them sa internet. Nag-try lang naman ako ng discord dahil nakita ko 'to sa tiktok. Nag-join ako sa mga random servers at dahil doon ay nakilala ko sila.

Unexpectedly, malapit lang pala sila sa lugar ko kaya napag-desisyunan naming parehas na lamang ang papasukang University. Ang Zenbe University.

I need their approval tho.

Wala naman akong choice dahil araw araw nila akong iniinis. I hate them but they became my companions.

"Accla, may pogi oh." Agad namang napalingon si Benedict sa sinabi ni Claire.

"Ha, nasaan?" Tumawa naman ng bahagya si Claire na kala mo'y kakalabas lang ng mental.

"Ito naman hindi mabiro. Ang bilis mong lumingon 'pag ganiyan, pero pag inuutusan ka'y daig mo pa 'yung ghoster ko mang-ignore." Sabi niya at tumawa. Pinaglihi ata ito sa manok, tawa niya palang ay parang magigising na 'yung buong kapit-bahay.

"Sandra." Benedict called, agad naman akong tumingin sakanya at itinaas ang aking kilay.

"What?" I raised my eyebrow, expecting him to continue.

"Maldita talaga." Bulong ni Claire, I scowled at her dahil kahit pabulong na ang kanyang sinabi ay narinig ko pa rin. I crossed my arms and looked at her with annoyance.

"Hey, I heard that. Sa susunod kung may sasabihin ka ng palihim ay hwag mo nalang sabihin. Rinig pa rin kasi kahit pabulong, pwede ka na ipambato sa cheerdance yell." Saad ko at walang ka-emo-emosyon ang aking boses.

"Sige, sasali ako pag meron sa papasukan natin." Ngiti niyang saad dahil masyado niya atang sineryoso ang sinabi ko. "Thanks bes! Baka marami pang humanga sa'kin na mga boys doon tapos jojowain ko sila ackk." Parang stupid kung kiligin.

Napangiwi naman ako sa mga sinabi niya. Kung hindi ko lang talaga ito kaibigan ay matagal ko nang tinakwil e'.

"Nag-jojoke lang ata siya sa sinabi niyang sumali ka sa cheer dance." Bulong ni Benedict dito.

"Mukha naman siyang seryoso."

"Lagi naman 'yan seryoso at bakit ka sasali sa cheer dance eh ang panget mo."

Tumakbo si Benedict papaalis nang marinig nito ang sigaw ni Claire na tila galit na galit. Those imbeciles! they act so stupid na baka maya maya'y mabangga sila at takbo sila ng takbo—-

Never mind, deserve, dahil nakita kong nadapa si Claire at hingal hingal namang lumapit si Benedict.

I facepalmed, kakasabi ko lang eh, they're so stupid talaga. Lumapit na muli sila sa'kin at nakita ko ang naka-busangot na mukha ng babae kong kaibigan.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon