CHAPTER 3 - Maid

40.1K 1.2K 1.5K
                                    

Hala ano daw?

Yung mata ko ay parang luluwa na ata, sobrang laki ng mga ito habang tinititigan ko lamang siya. Ibig sabihin siya yung yaya ko? Hindi ako gumalaw habang umalis siya upang kumuha ng tubig.

Seriously? My future professor will be taking care of me? Is she... my maid?

Bumalik siya kaya sinamantala ko na ang pagkakataong magsalita.

"You're my maid?"

Bigla siyang nasamid sa iniinom niya at paulit ulit na umubo, natataranta akong lumapit dito at kinuha yung baso sa kamay niya tas itinapat ko sa kanyang bibig.

"Okay lang po ba kayo? Kailangan niyo pong tubig?" Sumama ang tingin nito sa'kin kaya napaatras ako ng di oras.

Saka ko lang napagtanto na sa tubig nga pala siya nasamid. Kaya tinakpan ko ang bibig ko gamit ang palad ko. "Hala sorry po." Bulong ko ngunit sapat na para marinig niya.

Yung mata niya ay mapula at siya ay hingal na hingal pagkatapos niyang umubo. Hinampas niya yung lamesa malapit sa living room at tiningnan ako ng pagalit.

"I'm not your fucking maid, Miss Marquez. How can you think of me as your maid when I can literally buy your life right now." She said. Oh? So she's rich?

"I'm just here to take care of you because I don't have any choice." Parang labag naman siguro sa kanya na alagaan ako, bakit pa siya pumayag? Gosh.

"And- I'm your caretaker, not your fucking maid. I don't take orders."

"It's very okay naman po for me if you don't want it and you can decline naman po anytime-"

"Very okay what? Are you implying that you don't want me to take care of you, Miss Marquez??!" She said at mas lalo siyang nainis. May anger issues ata siya kaya bigla akong nanginig at natakot sa aura niya.

"H-hindi naman po sa ganon, pinag mumukha niyo po kasi na parang ayaw niyo akong alagaan. Sorry po." Sabi ko habang yung tuhod at kamay ko ay nangangatal.

Umirap lamang ito at naglakad hanggang sa tumigil siya sa harap ko. "I'm offended by your words, Miss Marquez." She said at pinag dikit ang kanyang mga kilay. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya

I'm a little disappointed about what she said about me.

Kahit kailan naman kasi, wala akong ginawa o sinabi na ikakasakit ng damdamin ng ibang tao dahil naranasan ko na masaktan sa mga salita.

"Not only you thought of me as your maid, your yaya or what! You also don't want me to take care of you! Are you not contented with me... hindi ba ako sapat?!!" Nagulat ako ng bigla itong nagsalita ng Tagalog.

"Well? What did I expect from a young immature girl like you who's been getting everything she wants from her rich parents." I clenched my fist from what I heard, hindi ko naman ito ginusto. Puno nga ng pera, kulang naman sa pagmamahal.

But she's right. I'm a spoiled person when it comes to money. I get everything I want, anything I want whenever it's possible.

"I'm looking forward to taking care of an obedient person but I guess not-" Tama na please, hindi pa rin siya tapos?

"I won't let this sli-" I immediately cut her off.

"Tama na po, I'm already sorr-"

"Could you please not interrupt me while I'm talking?!! Gosh! You're such a brat!!" Malakas niyang sigaw kaya napatakip ako sa dalawa kong tainga. Huminga ako ng malalim at naglakas loob na sumagot sa kanya.

"Sigaw ka po ng sigaw... w-wag naman p-po kayo sumigaw... magkalapit lang po tayo oh." Napapikit ako habang nakatakip pa rin yung mga kamay ko sa tainga ko, malalim ang pag-hinga ko habang nag-hihintay sa kaniyang susunod na sasabihin.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon