CHAPTER 28 - Wish you were sober

26.4K 1K 1.2K
                                    

A/N- Maraming spacing ang chapter na'to since puro conversation po ang magaganap but I still tried making it detailed and maintaining its quality. Enjoy reading !!

Baka ngayon lang po ito mangyari, back to the same writing tayo sa mga susunod na chapters.

xoxoxoxoxo



Pagkatapos ang eksena na nangyari sa amin ni Miss Cypress kanina ay nakatulog ako. I groaned when someone called me through my phone, parang tanga, natutulog yung tao eh!

Tiningnan ko muna kung sino ito at nakita ko ang pangalan ni Claire. Kahit kailan naman talaga tong si bruha oh!

"Claire what fuck do you want right now, I'm freaking sleeping." Sinagot ko ang tawag habang papikit-pikit pa ang aking mga mata.

"Hello beh asan kana?! Baka nalilimutan mo na mag-babar tayo ngayon! May pa-absent absent ka pang nalalaman porket alam mong may susubukan kang kababalaghan ngayon—"

"Oo na, ang dami mong sinasabi. Sige na, babye." Akmang papatayin ko na sana ang tawag pero iniwas ko ang phone ko sa tenga dahil napaka-lakas ng boses ni gaga.

"Hoy!! Teka lang, wag mong ibaba!!" Sabi sa akin galing sa kabilang linya. "Papunta na kami sa bar, sumunod ka nalang ha, hindi kami mag-iinom hangga't wala ka."

"Okay fine! Bye!" Umirap ako habang inend yung call. Marahas ko pang ginulo-gulo ang buhok ko dahil sa inis.

Ayokong pumunta. Para kasing ang laking kasalanan na mag-inom.

Tumayo ako galing sa kama para maghanap ng masusuot, baka bihis na rin si Miss— si Cypress pero bakit hindi manlang niya ako ginising?

May kumatok sa kwarto at alam ko na agad kung sino iyon, huminga ako ng malalim at kahit nagbukas na ang pinto ay hindi pa rin ako lumilingon.

"Tutuloy ka ba? Sasabihan ko nalang yung mga kaibigan mo—"

"Tutuloy po."

Isang tahimik na ingay na hindi mo masabi ang pumaligid sa bawat sulok ng silid. Naka-kuha na ako ng damit pero hindi ko pa rin kayang lumingon.

Para akong nilalamon ng pagsi-sisi.

"Ma'am, I'm sorry—"

"Stop apologizing, Khione, please, stop na." She implored, sinunod ko naman siya pero hindi ko pa rin siya kayang tingnan.

"Look at me." I can hear her heels approaching, I shut my eyes tightly while biting my lips, I can feel her aura from here.

I'm still culpable from what I did but it's fine, at least I know and I'm aware of my mistakes, the guiltiness I'm feeling right now is my way of response to my own actions. I deserve this.

Kung ito ay humantong sa aking pagbabago kung gayon maaari itong maging kapaki-pakinabang, dahil ito ay hindi na pagkakasala kundi ang simula ng panibagong kaalaman.

"You're ignoring me now, hm?" My whole body shivered when I felt her hot breath blowing around my neck. "Marquez, I know my beauty is unmatched and you're too shy to look at it but don't worry you're the only one—"

"Ang yabang mo."

Agad akong lumingon habang naka-kunot ang noo ko. Tumawa siya ng mahina. "I'm sorry, I only did that for you to notice me."

"How can you forgive me so easily?" Kinuyom ko ang dalawa kong kamay at napalabi.

"I don't blame you for what happened." Ang tinugon niya lang sa akin. Nginitan niya pa ako habang hinahaplos-haplos ang pisngi ko. "Having you here is enough."

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon