CHAPTER 32 - Rumors

24.9K 812 366
                                    

"Grabe si Miss Zenebe, tinapon yung research paper ko dahil hindi niya raw nagustuhan. Gumawa raw ako ng bago dahil kung hindi ay ibabagsak niya raw ako this semester."

"Buti ka pa may chance, itong si Jackson ay sinuspend at binagsak ni Ma'am nung nalaman na halos copy paste ang ginawa niya sa research."

Pinapakinggan ko lamang ang pag-uusap ng mga estudyante habang nag-lalakad ako patungo sa faculty office dahil pinapatawag ako ni Miss Jamaica.

"Next month na ang school festival, nag-audition ka?"

"Oo, nag-audition ako dahil kasama raw si Miss Zenebe sa stage play at concert!" Tumigil ako ng ilang segundo sa pag-lalakad at nag-kunwaring may tatawagan para marinig ang pag-uusap ng dalawang babae sa gilid ko.

"Eh? Bading ka talaga hahaha, malay mo naman napatol si ma'am sa babae pero medjo impossible dahil straight vibes si miss, pero why not diba? Malay mo may chance ka?"

Kumunot ang noo ko at masamang tumingin sa unahan habang lalong humihigpit ang hawak ko sa aking cellphone.

"Eh diba alam mo naman ang sabi-sabi, may gusto si Professor Cruz kay Miss Zenebe, doon palang ay talo na ako." Nalulungkot niyang bigkas, lalong dumiling ang paningin ko.

"Basta kung sa'yo si Miss Zenebe, akin si Alessandra." I frowned when I heard my name. "Kaso sobrang hirap niyang
i-approach, sobrang sungit at mas straight pa sa ruler."

"But she's so talented and beautiful, how can I lose my feelings? She's so damn attractive. Loving her from afar was more than enough-"

Hindi niya natuloy ang pag-sasalita nang singhalan siya ng kanyang kausap.

"Ang bobo mo! Kanina pa kita binibigyan ng signal na yung crush mo ay nasa likod mo lang, narinig na ata lahat ng pinag-sasabi mo!"

She turned around and our eyes met, hers are wide as plates while mine remained blank and cold. She was about to speak but I neutrally left without a word.

I don't even know who they are- besides, the other woman was just too stupid to believe that she has a chance and assume that Professor Cruz and Cypress like each other, tsk.

Hmph.

Finally, I arrived at the teacher's faculty office and I was greeted by this enormous door. Ano bang naisip ni Cypress at ang lalaki lagi ng pintuan niya.

Pumasok ako roon, halos wala ang ibang professors kundi si Miss Jamaica at Miss Fernandez laang pero wala akong balak tingnan yung propesor na hindi naman tumawag sa'kin.

"Ah, Miss Alessandra, you're here!" She greeted, smiling as always. "Upo ka dito, kakausapin lang kita tungkol sa mga activities for this upcoming school festival."

Umupo ako sa harap ng kanyang table, bahagya muna kaming nagka-titigan bago siya mag-salita.

"Ito yung mga activities na sasalihan mo." Wika niya habang may kinukuha na papel. "Ito, kasali ka sa Battle of the Bands dahil gusto ka nina Claire at Benedict na maging isa sa vocalists."

Tumango ako. Hindi naman gaano kahirap ang gagawin kaya ayos lang. Kasama ko pa rin naman ang mga kaibigan ko.

"Tapos ito, kasali ka rin pala sa stage play dahil sabi ni Miss Marquez." Tumango ako ulit, okay lang rin naman dahil si ate ang nag-insist. "Kasali ka rin pala sa concert performance dahil gusto ni Miss Zenebe at ng ibang professors."

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon