CHAPTER 49 - Justice

20.5K 649 495
                                    



"You're on your own, kid."

I slowly closed my eyes as I felt the breeze brush up against me. The earlier sight of the lovely gloomy sky is sign that it's about to rain. The echoed murmurs of the wind went inside my ears as if they knew exactly what I was feeling right now.

I was drained. I've had enough. I'm far too tired, since due to my continual sobbing and lamentations of loss, I am so exhausted that I am unable to even keep up with the passing of time.

And there, I asked myself...

Bakit si mama pa?

I looked down in sorrow, my face scrunched as I'm resisting myself to release a sob. "Miss na kita, ma..." I wiped away my tears. "Miss na miss na po kita. Sobra. Huwag kang mag-alala, ha. Ipapaglaban po kita. I will give you the justice that you deserve."

"I wonder ma... kung may iniwan po kaya kayong kahit... sulat bago mo itaguyod 'yung plano.... Sulat po para sa'kin..."

I gulped and chuckled stupidly while adjusting my seat. "Sina Claire and Cayle lang po nakakasama ko ngayon, ma. Tulog pa si Cypress, eh. Ayaw nilang sabihin sa'kin kung bakit ayaw niya pang gumising. Si mommy Kyla naman ay hindi ako kinakausap kasi..."

I gulped.

"Kasi mas pinili kong bigyan ka ng hustisya kaysa manahimik nalang at dumikit sa plano mo." Umiling-iling ako. "Ayoko no'n, ma. I've been silent for too long and ayoko na. Sawa na akong maging tahimik. I will give you the justice that you deserve. Hindi ako papayag na impyerno lang ang mararansan ni Seth. Gusto kong malaman ng buong mundo ang kaniyang baho at mga ginawang krimen."

Unti-unti kong binaling ang ulo ko sa taas at pinagmasdan ang langit. "Ang ganda siguro d'yan, 'no ma? Kasama mo na si kuya. You're finally free of guilt and pain."

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang trahedyang 'yon. Trahedyang hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. I miss my mama. Only heaven knows how much I miss my mother.

Ang hirap. Ang hirap magpatuloy sa buhay 'pag alam mong may kulang. Para akong batang hinahanap ang nawawala kong ina. Ilang taon din kasi ako nagtiis. Ilang taon ko s'yang hinanap-hanap.

Pero sa huli ay hindi manlang hinayaan ng tadhana na  magkasama kami ulit.

"Masaya ka ba diyan, ma?" Tanong ko sa puntod na kala mo'y siya'y isang tunay na tao. "Pero alam ko naman na masaya ka na po d'yan. Kasama mo na si kuya. Wala ka nang kailangang isipin."

I smiled.

"Gabayan mo 'ko, ma." My eyes started to water once again. "May haharapin po ako bukas. Natatakot po ako."

Nanatili ako sa posisyon ko hanggang sa maramdaman ko na sa balat ko ang mamunting pag-patak ng ulan.

"Ma, na-ambon na." Sabi ko at tumayo. "Puntahan ko muna si Varsha, ma. Kailangan ko pong makausap 'yung doktor."

Araw araw akong nabisita sa puntod ni mama simula nung nai-libing na namin siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. Nalaman ko lahat ng kaniyang plano at sa tuwing naiisip ko 'yon ay nadudurog ang puso ko.

I smiled. "I love you, mama! Lagi! Parati! Always!" Naiiyak ako habang sinasabi ang mga salitang iyon pero pinag-sawalang bahala ko na lamang at tumalikod.

In every lifetime.

In every second chances.

I will always choose you to give birth to me.



~~



"May posibilidad po bang matagalan ang pag-gising niya?"

"Yes, Miss Marquez. Lalo na't sobrang lala ng nangyari kay Miss Zenebe. Her brain was very damaged because of the spreading of blood inside her head... or brain. Kumalat na 'yung dugo sa ulo niya bago pa siya agad madala sa hospital."

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon