CHAPTER 5 - Wagyu Steak

28.8K 1K 729
                                    

A/N: This chapter is soon to be revised once I have my free time. (Legit na naiinis ako sa mga scenes at grammatical errors dito, tss, haha.)

~~^^~~^^~~^^~~^^~~

"Chill Ghian, kaya mo 'to, pag hindi pinagpala edi... shot puno." Rinig kong bulong ng tao sa likod ko.

"Huhu, itatakwil ako ng magulang ko pag hindi ako nakapasa, sorry na po agad in advance."

"Tangina ano 'to?" Narinig ko naman na bulong ni Claire, sumulyap ako sa pwesto niya at nakita ko siya'ng pawis na pawis at tila ma-mamatay na siguro sa takot.

"Gago buti nalang si Claire ang nagmana ng kabobohan ni dad." Rinig kong naiinip na sambit ni Benedict, I knew he will also ace this test, siya kasi ang valedictorian sa school niya last year.

Ako naman? Haha, kanina pa tapos.

"Are you done?" Narinig kong tanong sa harap ko, nakatungo kasi ang ulo ko dahil wala akong magawa. Inip na inip na ako at gusto ko nang pumunta ng mall kasama sina Claire.

Itinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Miss Jamaica na naka-ngiting nakatingin sa'kin. Tumango ako at binigay ko ang papel ko na agad naman n'yang tinanggap.

"Oh wow..." I heard her whisper, pumunta siya kay Miss Suarez at pinakita ang aking paper na ikinamangha naman nung isa.

"Well? What did you expect? Kapatid niya si Alexandra."
Proud niyang sambit.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya, kung matutuwa ako dahil napag malaki ako bilang kapatid ni ate o malulungkot ba ako dahil kilala lang ako bilang kapatid ni Alexandra Hyera Marquez.

___

Hindi ako pinayagan.

Sinunod ko nalang siya, mukhang bad trip eh, baka matarayan na naman ako. Ano ba s'ya? Caretaker ko lang naman siya pero kung maka-hindi, kala mo pagmamay-ari niya ako, tsss!"

Bahala siya d'yan.

"Miss Marquez, have you already bought your supplies for school?"

"Paano nga bibli eh hindi nga pinayagan." I mumbled pero hindi ko namalayan na narinig pala niya dahil bigla niyang tinigil ang kotse.

"Miss Marquez, kung gusto mong gumala, pwede naman na ako nalang ang isama mo. I'm your caretaker-"

"Ayoko kitang kasama." Putol ko sa kanya na siyang ikina-simangot niya. "Tatarayan mo lang ako eh-"

"What? Ano'ng tatarayan eh mas mataray ka nga sa'ki-"

"Arghh shut up!" I cut her off at padabog na tumingin sa bintana. Narinig ko naman siyang nag buntong hininga.

"Where do you want to go ba, Miss Marquez?" Tanong niya, naiinip naman ako tumingin sa kanya at nakita ko na sobrang higpit ng hawak niya sa manibela.

"Whatever."

Tiningnan niya muna ako ng masama at saka pinaharurut na naman ang sasakyan, mga fifteen minutes bago pa kami makarating sa isang malaking mall.

"A-ano pong ginaga-" Bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay bumaba na ito ng kotse at umikot para buksan ang pinto ko.

"Ma'am-"

"Shut up. Let's go." Putol niya sa'kin at nanguna nang maglakad papalayo. Sumunod ako dito dahil baka lalo pang sumama ang timpla ng mukha niya.

"What the heck are you still doing there! Come!" Sigaw niya kaya agad naman ako napataas ng kilay. Panguna-nguna siya tapos magtataka siya kung ba't ako nahuhuli.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon