CHAPTER 9 - Amusement Park

30K 1.1K 944
                                    

"Are you still mad?" Tanong niya, sinong hindi magagalit do'n. She stole my first kiss kagabi and I don't even like her.

Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya habang nag aayos ng damit. "That's a wrong move ma'am, you're claiming whats not yours, you kissed a person who doesn't even like you."

"I'm straight miss... I don't even like girls." Bumuntong hininga nalang ako habang iniintay ang reaksyon niya.

Ang kumikinang niyang mata sa tuwa kanina ay napaltan ng kawalang emosyon.

"I can't even understand you, why do you like me miss Cypress? We just met... ugh!" Napahilamos ako sa mukha dahil hindi ko na alam ang pinag sasabi ko.

"I will accept all the hurtful words" She said at lumapit sa'kin. "I don't care if you don't like me dahil sa'kin ka pa rin naman uuwi."

"Malamang, ikaw caretaker ko eh." Obvious kong saad ngunit seryoso lang siyang nakatingin sakin ngayon.

Her eyes.

It seems like she's longing for something.

"Let's go? I already payed for our tickets para mas madali tayong makapasok sa Enchanted Kingdom." Ngayon, lumabas na siya pagkatapos niyang kunin ang car keys.

Oo, ako yung humingi ng pagmamahal ngunit hindi sa ganitong paraan!

Masyadong speed si ma'am, hindi pa nga niya ako nakikilala ng buo tas mahal niya na agad ako? What the heck?

I know... I just know that there's a reason for that but she can't even tell me! Paano ko siya paniniwalaan?!

"Someday, you'll understand."

Pati it's illegal for her to be in love with me! I'm a student and she's my professor... hindi ba niya naiisip na pwede siyang mawalan ng trabaho? Gosh.

May saltik talaga siya sa ulo.

Baka maya maya ang laki ng age gap namin tas kiniss niya na ako. Edi pedophile siya?

Suskopo! Ayoko na! Lord kunin niyo na po ako.

Ang sarap niya nga pala humalik. So ganoon pala ang nararamdaman ng mga tao sa mga romance movies?

"Khione!"

"Coming."

Lumabas ako at nakita ko siyang nag iintay sa'kin na naka cross arms. Nag cross arms din ako at tinaasan siya ng kilay.

"Tch, what took you so long? Let's go." She said at naglakad papuntang elevator.

Nakasuot lamang ako ng short with cropped off-shoulder top dahil sabi naman ni Miss Cypress na I should wear anything I want daw as long as I'm comfortable.

I should be proud of my body daw and I shouldn't mind other people's opinions but I shouldn't go too far.

Sabay kaming sumakay ng elevator na walang nag sasalita, I'm still mad about last night.

Tinawag ako nito ngunit masamang tingin lamang ang tinugon ko sa kanya, nabbwiset ako sa pag mumukha niya.

Sumakit yung puson ko kagabi... eh kakatapos lang ng period ko.

Bumukas ang elevator at dali dali akong lumabas habang hawak ang aking shoulder bag, hindi ko na siya inintay.

"Are we going to use your car?" Umirap naman ako at binuksan ang kotse ko tas saka humarap sa kanya.

"No, me only. Drive your own." Bago pa ako nakasakay ay hinablot nito ang kamay ko at hinila ako paharap sa kanya.

"You're being stubborn ha." She said while frowning, malamig ko lang siyang tiningnan habang iniintay ang kanyang susunod na saad.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon