CHAPTER 18 - Siblings

28.1K 934 228
                                    

Mga ilang argumento ang nangyari pero pumayag na rin naman ako sa huli. Ibabagsak niya nalang daw ako kung hindi daw ako titira sa bahay namin.

"My things are already packed, we will move in tomorrow since wala ka namang pasok." She said while arranging the plates that we used while eating earlier.

"Ako na sana ang mag-aayos pero ayoko namang pumasok o ayusin ang gamit mo na wala ang iyong paalam." Dagdag pa niya.

Tumango ako nang naka-busangot.

"Ako na ang mag-huhugas." I insist. Umiling siya ngunit hinalbot ko na sa kanya ang pinggan at dinala ito sa lababo. "Sabing ako na eh."

Taimtim nalang siyang ngumiti at kumuha ng basahan para punasan ang table habang ako naman ay nagku-kuskos ng mga plato.

"My doctor from Canada called me." Panimula ko kaya bahagya naman siyang napatingin sa'kin. "She said that if I'm still having headaches and I said no... but she got mad that I'm not taking my medicine anymore."

"You're not taking your medicine anymore?" Kunot-noo niyang tanong kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anymore? How did you know that I'm drinking medicine? Wala po akong sinasabi sa inyo." Inilagay ko ang dalawa kong palad sa gilid ng aking mga baywang.

"And yes, I'm supposed to drink medicine every once a week pero tumigil po ako since mag-dadalwang buwan na po at hindi ko na rin naman po ito nararamdaman."

Hindi na siya sumagot pero sinabihan niya ako na sundin ko nalang kung ano ang sinasabi ng doctor. Tinanong niya pa ako kung gusto kong pumunta ng Canada para magpa-check up. Jusko, ayoko nang bumalik do'n.

Inaayos ko na yung mga gamit ko para maka-lipat na agad kami bukas. Napaka-rami ko pang assignment at quizzes tas dadag-dag pa'to, tsss.

Bigla naman akong napatingin sa gitarang naka-sabit sa wall ko at naalala ang sinabi ni Miss Cypress.

Sabi niya kagabi, tuturuan niya ako.

Pero sa susunod nalang, kailangan ko muna maayos ang mga gamit ko.

"Need help?" I heard my caretaker across the door, her arms crossed while she's leaning at the doorway. Hindi ko pala nasaraduhan ang pinto.

"I'll wait for you to finish then I'll teach you how to play that guitar." Turo niya sa gitarang nakasabit. Kala ko naman ay nalimutan na niya.

Umiling ako. "Hwag na po, gabi na po, bukas nalang po at baka pagod na rin po kayo."

"I'm not tired—"

"Ako po. Pagod na." Putol ko sa kanya kaya bahagya syang nag-buntong hininga na lamang at tumango. "Tatapusin ko lang po ito tas tutulog na po ako."

Binilisan ko ang pag-aayos. Susko! Hindi na natapos to'ng iniimis ko! Tatlong oras na ako nag-iimpake!

"Hey, why so angry again—"

"Ang dami ko pa pong iimisin..." Napakamot ako sa ulo at pinitik ang dila ko. "Ang dami ko rin pong assignments." Kukunin ko na sana yung damit sa gilid upang ilagay ito sa maleta ko...

Pero sa halip na maleta ang nahawakan ko ay isang pares ng kamay, para bang may kuryenteng dumaan sa'min nang mahawakan ko ang malambot niyang balat.

Nagka-tinginan kami kaya agad ko rin namang inalis ang pagkaka-hawak ko sa kanya. She's slightly smiling while I'm just looking at her with awe and uttered confusion.

"W-wag na po, kaya ko na po." Sabi ko at nag-kunwaring naghahanap ng matitiklop— actually, hindi ko na nga tinitiklop eh. Malamang, hindi ako marunong.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon