CHAPTER 26 - Paintings

23.7K 938 691
                                    

What the heck just happened?

She's saying that I love her? H-heck n-no... no?

Gosh, my feelings are intricate! Yung nararamdaman niya para sa'kin ay nararamdaman ko rin sa kanya. Edi tunay nga ang pinag-sasabi niya? Paano na si Varsha?

Gulong gulo na ako!

"You can't deny it now, huh?" Ngiti niyang saad sa akin, ang mga mata niya ay hindi na nakikita sa sobrang tuwa. "You love me—"

"Shut up!" Inis kong sigaw at lumabas ng silid. Hinawakan ko ang aking mga labi at napatigil sa paglalakad. I'm so confused right now, pagkatapos ko talagang kumain ay dederetso ako sa computer lab for some research.

"Alessandra?" Someone called me and I knew the voice straight away. I ran as fast as I could, not minding if I bump into people.

"Alessandra wait!" Hinahabol niya pa rin ako? This jerk!

Nang nawalan na ako ng pasensya ay tumigil na ako at hinarap ang lalaking matagal ko ng kinamumuhian. Mga lalaki nga na naman, lalaki moments.

Hingal hingal siyang tumigil sa tapat ko, may pag-yuko pa siya para mahawakan niya ang tuhod niya. Pagod na pagod teh?

He then stood up from his place, respiring heavily. He then reached his hand to me while holding a paper bag. I spontaneously raised my eyebrow.

"For you," Tristan said while giving me his irritating smile. "Jollibee chicken joy rice meal with burger and fries."

Kumunot ang noo ko at malalim na nag-iisip kung tatanggapin ko ba o hindi. Naiwan ko kasi yung wallet ko, si Ma'am kasi eh ang landi.

I mentally facepalmed when a scene from a while ago appeared out of nowhere beneath my mind. Gosh, nung una nag-aaway pa kami tapos napadpad kami sa pag-hahalikan.

It's me, hi, I'm the problem, it's me.

Pala-away kasi ako.

Bakit ba.

"Ayoko baka may lason yan." Ayan na naman ako na pina-iiral muna ang pride pero tunay naman, malay mo may lason o kaya gayuma para ma-inlove ako sa kanya, tsss.

"Paano magkakalason eh kakaorder ko lang nito." He unbelievably asked while sniffing the bag. "It also smells so good at mainit pa."

Pinag-dikit ko muna ang dalawa kong kilay at saka hinablot ang paper bag mula sa hawak niya. Ang bango nga, nakaka-gutom, bwiset.

Hindi ko siya pina-salamatan at umalis nalang sa harap niya habang pinapa-irap ang aking mga mata, dala dala ko pa rin yung Jollibee.

Hindi naman makapal ang mukha ko, tinatanggap ko lang ang regalo sa hindi ko gustong tao kasi ang rude naman kung inirapan mo na nga tas hindi mo pa tatanggapin yung bigay diba? Gosh, I'm so kind.

"Walang thank you, Alessandra?" Sigaw sa'kin sa likod.

Tumigil muna ako lumingon sa kanya. "Wala." Maikli kong tugon at nag-simula nang umalis sa hallway.

Nakarating na ako sa wakas sa cafeteria at nakita roon sina Claire at sina Sofia na nag-kwekwentuhan. Si Akira as usual, mukhang badtrip.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Sofia. Nilabas ko yung mga pagkain na nasa supot at inabutan si Claire ng burger habang inabot ko naman yung fries sa tatlo.

"Bigay ni Tristan." Panimula ko. "Samahan niyo akong kainin yung bigay niya para kung may lason talaga, edi malalason din kayo. Damayan niyo ako sa langit."

"Akira mag-isa ka sa impyerno." Dagdag ko.

"Neknek mo!" Sighal niya sa akin. "Ayokong kainin yan at baka may lason talaga— what?! Claire ba't mo kinain?! Patay gutom ka talaga!"

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon