CHAPTER 50 - Home

33.9K 846 771
                                    



Did you miss me?" Cypress firmly held onto my waist as she brings her face closer to mine. "Isang buwan na ang nakakalipas nang magising ako, yet you act so distant towards me... why?"

Her voice sounded so broken. Her eyes getting softer as she looks at me pleadingly. She's right though. Ilang taon ko siyang hinintay, pero nitong bumalik na siya ay hindi ko siya magawang tingnan ng matagal.

Tatlong linggo s'yang nag-pahinga sa hospital. Halos dalawang linggo rin siyang hindi makapagsalita at makagalaw, but I'm glad when the doctor said that she's finally allowed to go home last week.

"Nagtataka nga po ako, miss Marquez. Ang bilis mag-function ng brain ni miss Zenebe at ang bilis rin niyang makaraos sa kaniyang coma. May pinakain po ba kayo diyan? Ang tibay ay." Biro niya.

Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin ako natutulog sa kaniyang kuwarto kahit anong pilit niya. I'm always there if she needs anything but I always go to my room afterwards to prevent a conversation... and... I don't know why.

Why though? Because I still feel guilty about what happened three years ago?

Pinagluluto ko naman siya. Ayokong gumagawa siya ng gawain na ikakapagod niya pero 'yon ang ginagawa niyang tricks para makausap niya ako. Para mapagalitan ko siya.

"I'm sorry..." my voice cracked as I looked down.

I felt her fingers grab my chin and raised my head to meet her loving gaze. She shook her head and furrowed her eyebrows.

"For what?"

My lips quivered. "F-for everything..." I spoke, keeping my gaze fixed on her throughout.

"Mahal ko, are you still blaming yourself?" She asked and applied circles to my cheek by using her thumb.

"Oo..." sagot ko at tumango-tango na para bang nag-susumbong. Luha ko'y nag-babantang bumagsak sa mga mata ko. "Kinaya ko naman, Varsha eh, pero lagi nalang ako nilalamon ng pagsi-sisi. Nung wala ka... alam mo ba na lagi akong umiiyak gabi gabi? Miss na miss na kita eh. L-Labis labis na akong nangungulila sa presensya mo..."

Tiningnan ko siya at humikbi. Kita ko ang pag-tulo ng kaniyang luha sa kaniyang malambot na pisngi. "Hindi ko alam 'yung gagawin ko no'n. Hirap na hirap ako. Ikaw lang ang nag-sisilbi kong lakas. Ikaw lang ang dahilan kung bakit ko gusto magpatuloy kahit... kahit pagod na pagod na pagod na ako..."

She didn't answer and still waited for me to continue.

"Kaya nung gumising ka? Ang saya saya ko no'n, Cypress. Sobrang saya ko no'n." Nginitian ko siya. "K-Kasi bumalik na 'yung tahanan ko. I w-was finally healed..."

Kinuha niya ang kamay ko at marahan 'yon na hinalikan ng paulit-ulit. Hindi niya ako pinatigil. Hinayaan niya lang ako magsalita at patuloy lang siyang makikinig.

"Pero... pero bigla ko 'tong naramdaman eh..." gamit ang aking isang kamay ay tinuro ko ang puso ko. "'Yung bigat sa puso. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, Varsha.... Ang bigat bigat na gawa no'n ay hindi kita kayang harapin at kausapin na katulad ng dati.... Natakot ako.... Takot na takot ako, Varsha..."

Tuluyan na akong naglabas ng hagulgol at yinakap siya ng mahigpit. Yinakap niya rin ako pabalik at hinaplos-haplos ang aking buhok.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon