CHAPTER 42 - One Last Time

25.2K 864 1K
                                    


Nakarating na kami sa wakas sa kanyang bahay nang walang nag-uusap, tanging sulyapan lang ang ginagawa namin sa isa't isa.

Una siyang bumaba, kala ko ay hindi niya ako pag-bubuksan ng pinto ngunit nang akmang lalabas na sana ako ay lumapit ulit siya sa'kin na may dalang tuwalya.

She covered me by using the towel while her body is soaking wet because of the rain. Mabuti nalang at wala ng ulan kaya hindi na kami nahirapan pang pumasok.

Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, tila takot na takot na bigla akong mawala.

"Are you hungry?" She asked, trying to not make it seemed awkward as possible.

"No, maliligo na ako."

I can't walk because her hand is still entangled with mine.

"Your hands?" I raised my eyebrow at her. "Bitawan mo kamay ko, gusto mo bang sumama sa'kin maligo?"

"Only if you want." Madalang niyang sagot sa akin at binitawan ako. "Doon ka na sa kuwarto ko maligo."

"Cypress, hindi pa ako aalis. Hwag kang mag-alala masyado." I sighed and looked at her with my lips formed into a thin line. "Why are you looking at me like that?"

"You... hindi mo naman kailangan umalis..."

Kailangan ko.

"Goodness gracious, Varsha, napag-usapan na natin 'to." Sinamaan ko siya ng tingin.

My gaze softened when she looked at me with a disappointed and disheartened look. Tsk. How can I leave if she's giving me that pleading gaze?!

Hindi ko nalang s'ya pinansin at tumalikod na. Hindi ko rin pinansin ang mahihina niyang hikbi mula sa aking likod. Pinilit ko ang aking sarili na hindi lumingon.

Binuksan ko ang kanyang kuwarto at hindi na nag-dalawang isip para pumunta ng banyo. Hinubad ko ang aking mga suot na damit at binuksan ang shower.

Dali-dali akong nag-shampoo at nag-kuskos ng katawan. Nag-hilamos ako ng maigi at pinipilit ang sarili na ipag-sawalang bahala ang nangyari kanina.

Ngunit hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak.

Remember.

Remember what exactly happened that day.

I can't.

Napaupo ako sa basang sahig habang mahigpit kong hawak ang aking ulo. "H-hindi ko matandaan...bakit b-ba ang hirap tandaan." Naglabas ako ng mahihinang hagulgol.

Yinakap ko ang binti ko at paulit-ulit na bumuntong hininga. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Labis labis na sakit ang nadadama ko ngayon.

Ngunit alam ko na mas-malala ang nararamdaman ni Varsha.

I bit my lip and didn't give a damn even if it bleeds the hell out of it. Wala 'to sa sakit na mayroon sa loob ko. Ang mental health ko ay parang nauubos na at kaunti nalang ay mababaliw na ako sa lahat ng nangyayari.

H-hindi ko na kaya...

What a cruel person I am.

I don't even know if what I'm doing is right or wrong, selfish or selfless, if it's for the bad or good of everyone. I don't know, I don't know anymore.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon