CHAPTER 33 - My Varsha

30.6K 990 570
                                    

The pain is still here. I'm still mad and angry- that I can't even define the rage I'm feeling right now.

I can't believe it. The person I considered to be my friend turned her back on me. Ang mas malala pa ay matagal na pala niya kami pina-plastik. Ano bang ginawa ko? Anong ginawa namin para magawa niya ang mga ito.

Binili ko ang mga bagay na hindi niya kayang bayaran sa tuwing wala siyang pera sa kanyang bulsa, pag hindi niya maintindihan ang lesson ay tinutulungan ko siya kahit hindi na ako nakapag-aral para sa sarili ko dahil ang hirap niyang turuan.

Am I not enough?

What did I do for people to do this to me?

Minsan, sana pinanganak nalang ako na may normal na buhay, kumpleto ang pamilya at may mabubuting kaibigan na kahit mahirap ang buhay ay masaya.

But of course, I want Cypress to be still part of my life even though I wished to have a normal one.

She's my comfort.

My greatest supporter.

Before we left where we were hiding, we even learned about their plan to spread my relationship with Cypress to the rest of the students on the day of the school festival as everyone would undoubtedly be there.

May possibility na matanggal ako sa school dahil impossible raw na matanggal si Miss Zenebe since siya ang owner.

Still, I don't need to worry because my professor won't let me get kicked out of the university that easily, but I am very worried about her reputation.

I don't want her reputation and image to be ruined just because of me.

Ayoko siyang madamay.

Wala akong sinabihan na professors at kahit kay Cypress ay hindi ko 'to sinasabi dahil ayoko siyang mag-alala, lalo na't hindi ko alam kung anong gagawin niya kina Sasha pag nalaman niya ang ginagawa nila sa akin.

Tinutulungan naman ako nina Benedict at ng natitira kong mga kaibigan. Ginagawa namin ang lahat at nagawa na rin kami ng plano para mapigilan ang pag-kakalat ng impormasyon.

Kaso ang hirap eh, nakalipas na ang dalawang araw pero mas lalo lang kumakalat.

"Marquez! Focus!" Oh right, nag-prapractice na nga pala ako ng modeling for the fashion show, technically nasa gym stage ako ng school ngayon.

Hindi ko kilala ang nag-iinstruct sa'min.

Walang wala na ako sa sarili dahil sa mga nangyayari. Ayoko namang sabihin ito kay ate o kaya sa aking pamilya dahil alam ko namang wala silang pakeilam sa'kin.

Kung gagawa 'man sila ng aksyon ay panigurado dahil ayaw nilang masira ang kanilang magandang pangalan at hindi nila ito gagawin para sa akin.

Damn it. Baka kung ano pang gawin nila kila Sasha pag nag-sumbong ako kaya wag nalang.

"Why are you always zoning off during practices, Miss Marquez?" Kunot-noong tanong sa akin nung instructor, hindi ako sumagot at bumuntong hininga na lamang.

"Pagod lang po."

"Ibig sabihin ay two days kang pagod? Hindi ka ba nakakakuha ng tulog o' baka naman hindi ka talaga natutulog?! Alam mo, tatanggalin talaga kita pag hindi ka nag-ayos!"

"Sorry po talaga—"

"That damn sorry again! Pag talaga bukas ay hindi ka umayos, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa'yo—"

"Why are you shouting at her?" Tumaas ang balahibo ko sa lamig ng boses ng nag-salita. Kilala ko na agad kung sino iyon kahit nasa likod ko lamang siya.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon