CHAPTER 20 - Who is she?

24.5K 886 326
                                    

WARNING: THIS CHAPTER MIGHT INCLUDE SOME TRIGGER WARNINGS (Blood, death etc.)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ate Sandra, papicture daw po." Kakalabas lang namin ngayon ng gym. Pang-anim na beses na'to ah! Diba may ibang nag-audition din naman? Do'n sila magpa-pic, susme, bakit sa'kin lagi?

"Alessandra ang ganda mong ngumiti kaya wag ka na laging masungit. Papicture daw po itong kaibigan ko." I cringed when more people came to me pa, gosh, I hate crowds pa naman.

"May klase pa po ako, sa susunod nalang." They groaned in disappointment habang dali dali naman akong tumakbo paalis, hawak ang kamay ni Claire.

"Famous ah, gawin mo rin nga akong famou—"

"Not now Claire."

She laughed while I sighed in annoyance. I fucking want to go home.

Four thirty o'clock na naman, for sure wala nang mag-klaklase. Aayusin ko na ang gamit ko tapos pupunta na ako sa office ni Miss Cypress.

"Hoy mag-celebrate tayo Sandra, bar tay—"

"No." Tugon ko agad, hindi ako pabor sa plano niya.

"Bakit naman!—" Hindi na ako maka-sagot dahil nasa tapat na kami ng classroom namin. I opened the door and I saw my classmates stopped their bickering and looked at me with widened eyes.

"Alessandra, ang ganda ng boses mo kanina! Bakit naman hindi mo sinabi sa'min na nakanta ka pala." Mala-birong reklamo ng ka-klase kong si Kate.

"Oo nga Alessandra, balita ko ikaw daw yung napili eh, well what did they expect? Magaling ka, bulok sila." Umirap naman ako sa sinabi nung isa. We shouldn't bring others down.

"May klase pa ba tayo?" Tanong ko, umiling sila kaya napag-desisyunan ko nang lumabas.

Lumabas ako at dere-deretsong naglakad patungo sa elevator para maka-akyat ako sa office ni Miss Cypress, not minding people's calls.

Habang palapit ng palapit ako sa office niya ay may naririnig akong dalawang taong nag-uusap, alam ko nang si Miss Cypress ang isa ngunit sino yung...

Mabuti na lamang at medjo bukas ang pinto kaya may pagkakataon akong sumilip. There I saw Sir Cruz, holding Miss Cypress hands na nakapatong sa table.

Parang kumikirot ang puso ko sa nakikita ko ngayon, professor Cruz is smiling at her while Miss Cypress is staring at him also, ang pinagkaiba nga lang ay walang emosyon ang aking caretaker.

But he's holding her hands! Yuck! Nakakapag-taka naman na hinahayaan lang ni Miss na hawak-hawakan siya ng kung sino-sino.

"Please Cypress? Just one date?—"

"No." Maikling turan ni Miss Zenebe at inalis ang kamay niya sa hawak ni Sir Cruz. "and please never touch me again, I don't like you sir Cruz, I think I mentioned that I already love someone else."

I think Sir Cruz was asking Miss Cypress for a date because he's wearing a suit while holding roses and all I can say is yuck, ang panget niya, mukha siyang gunggong.

"If you don't want to then I'll wait, I love you Cypress, alam mo yan—"

"But you know from the beginning that I don't love nor like you, she's the only one I love, siya lang ang laman ng puso ko." Sabi ni Miss Cypress. Bigla namang uminit ang pisngi ko sa aking narinig.

Ngunit nabawi ito sa aking huling narinig. Parang gumuho ang mundo ko.

"She's not coming back, Cypress. Hindi na siya babalik. Hindi na babalik ang taong mahal mo."

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon