CHAPTER 19 - Unknown Talent

29.9K 981 786
                                    

(Sabihin mo lang by Regine Velasquez and She used to be Mine by Sara Bereilles are the songs that will be used later on in this chapter, don't forget to search them para mas-sulit imaginations niyo, haha.)

____

"Tangina mo Jaxon! Hwag kang umilag, bobo!"

"No cussing during my class, Miss Bernardo!" Mataray na turan ni Professor Del Monte kay Claire.

"Eh ma'am matatalo na kami!" Reklamo naman nung isa. Naglalaro kasi sila ngayon ng volleyball eh kaunti lang ang napuntang athletic sa'min sa sport na iyon.

Ako naman? Ayun, nakaupo lang sa bench, reason ko nalang ay may mens ako ngayon pero wala talaga, takot lang talaga ako sa bola.

Hindi lang volleyball ang nilalaro nila ngayon, meron ding naglalaro ng table tennis, badminton at basketball. Sina Sofia at Sasha ay kasali sa volleyball habang si Akira— ay ewan kung nasan ang babaeng yun.

"Miss Marquez." Tawag sa'kin ng aking propesor kaya umangat ang tingin ko at nakita ko syang naka-tayog sa akin. "Since you didn't play any sports today, you need to do a two-thousand words essay about what you learned for this past two months, got that?"

"Okay po." Madali na iyon, essay lang naman.

"Chop chop everyone! Go change your clothes back to your uniform and be ready for your next class." Anunsyo niya sa'min at lumabas ng gym.

"Wow, nagpalit ka pa ng P.E eh hindi ka naman maglalaro."

"You have no rights to care." Pairap kong tugon kay Claire.

"Wow ang sosyal naman ng response. Beh, pwede naman kasing 'lakampake' pero yung sa'yo I have no rights achuchu." Umirap siya sa'kin at pumunta sa cubicle para magpalit ng damit.

"Omg ka Sandra, napaka-duga hindi naglaro. Paano naman kami? This is very unfa—

"I have an assignment to do for Miss Del Monte, a two-thousand words essay." Putol ko kay Sasha, nabigla naman ang babaeng kausap ko at napa-taklob ng bibig gamit ang kamay.

"Ay okay na pala na naglaro ako, okay lang sumakit ang katawan hwag lang ang isip, thank you." Huli niyang turan at pumasok sa cubicle para magpalit.

Ako naman ay nasa gilid lang na nag-iintay. Ang tatagal nila mag-bihis na akala mo'y naliligo na. Unang lumabas si Claire at ang binungad sa'kin ay chika.

"Hoy beh, may chika ako sa'yo." I raised my eyebrow at her, allowing her to continue.

"Sabi sabi lang naman 'to pero nasuspend daw si Miss Fernandez." Bigla kong nabuhos ang iniinom kong tubig at nalalaking-matang tumingin sa kanya. "Hindi ko nga lang alam ang dahilan pero diba sabi ni Miss Zenebe, siya ang President at owner ng school na'to?"

Yeah, she's right. May possibility na na-kick out si Miss Fernandez gawa ni Miss Zenebe pero bakit? Ohhh... shit.

Baka dahilan 'to noong nangyari two days ago.

"Baka naman umabsent lang, Claire. Ang bilis mo talagang maka-hagap ng chika, hindi mo na tuloy kinu-kumpirma kung yang mga chikang nahaghip mo ay tunay."

"Well, what did you expect. She's Claire." I shrugged my shoulders.

"Ah A-Alessandra gusto mo?" Tanong sa'kin ni Sofia habang nilalahad sa'kin ang hawak niyang Fudgee Bar. Lumunok ako, medjo nagugutom na rin nga ako.

"Iyo na'to—"

"Miss Marquez." Tawag sa'kin ng kung sino man, tumingin ako sa pinang-galingan ng tinig at naroon ang caretaker kong may hawak na lunchbox at snacks at pati na rin towel.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon