CHAPTER 41 - Let me go

21.6K 830 991
                                    


"You fucking liar!" Matapos ko s'yang sampalin ay agad kong dinuro ang dalawa kong daliri sa kanya.

"Liar! Liar! Liar!" Nang-hihingalo at nabubulol na ako sa aking pagsasalita. Hindi malaman ang gagawin at hindi ma-kontrol ang sarili. Galit na galit ako at ang tanging gusto ko nalang isagawad ay ibuhos 'yon lahat sa kanya.

Napagilid ang kanyang ulo habang ang kanyang mukha ay napunan ng sakit at pagkagulat, tila hindi inaasahan na gawin ko 'yon sa kanya.

Galit na galit ako. Nasasaktan. At litong-lito.

Nang maka-raos na siya sa kanyang pagkagitla ay kaagyat niyang hinawakan ang aking dalawang braso gamit ang kanyang mga kamay.

Dahan-dahan siyang humakbang habang ako naman ay na-paralisado sa aking puwesto. Nahihirapan na akong huminga dahil sa labis-labis kong pag-hikbi at hagulgol na kala mo'y magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil wala na akong malanghap na hangin.

"P-please h-hear me o-out...."

"Get off me!" Mahigpit kong hinawakan ang bahagi ng kanyang pulso at marahas siyang tinulak palayo ngunit pilit siyang lumalaban at ayaw akong pakawalan.

"Khione... please, please let's talk about this." She cupped my cheeks and applied circular motions around them by using her thumb.

Ang kanyang malamig na balat na dumidikit sa aking kuwero ang lalong nakakapag-pabilis ng tibok ng aking puso, iba't ibang klase ng kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan.

Ang tingin niya'y mapupusok at na-nanabik. Nakakapang-hina ng tuhod.

"Please...let me go..." I pleaded, looking straight into her eyes.

"No... pag-usapan natin 'to, damn it! A-ano ba ang narinig mo?" Boses niya ay mapaos-paos, natataranta, at napupuno ng pangangamba.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Cypress! Alam mo ang tinutukoy ko!" Sabi ko at sinampal ulit palayo ang mga palad na nakalapat sa aking mga pisngi.

"Baby..."

"Stop calling me that. It's bullshit." Sabi ko at tumalikod. Akmang aalis na sana ako sa eksena ngunit hinila ako nito uli paharap sa kanya.

"Professor Zenebe, ano ba." Reklamo ko at pinasadahan siya ng masamang tingin na may halong hinanakit.

"Don't call me that, baby. H-hwag mo akong tawagin sa ganyang paraan....masakit." Pakiusap niya at umiling at hinapit lalo ang baywang ko hanggang sa magdikit ang katawan namin.

"A-ano ba! Nasa school tayo! Nawala na ba sa isip mo na isa kang propesora?!" Pilit kong tinutulak ang kanyang balikat. "Pati anong masakit do'n? I'm just respecting you, professor."

"Stop. Stop it. Kausapin mo ako... ano ba. Please don't call me that, hindi 'yon ang gusto ko. Nasaan na yung tawag natin sa isa't isa? Bakit mo'ko rinerespeto? Just call me by my name, damn it! It sounds like I'm some kind of stranger...."

"Right now. I can see you like you're some sort of stranger I wished to have never known."

Her eyes widened as her lips parted and quivered. She looked so confused, frustrated, and in pain. Lalong kumunot ang noo niya.

Hindi ko na s'ya binigyan ng pansin at tumalikod para tumakbo palabas ng parking lot dahil wala nga pala sa'kin ang susi ng kotse at panigurado akong hindi niya ako hahayaang makaalis hangga't hindi niya nalalaman kung bakit ako nagkaka-ganito.

Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pamunting pag-pigil niya sa akin sa pamamagitan ng pagyakap niya sa aking likod, mapa-nuyo, mahigpit, at tila natatakot na ako'y makakawala.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon