CHAPTER 6 - Lunchbox

32.9K 1.1K 1.6K
                                    

This is my first day of college, hinatid ako ni Miss Cypress at siya din ang susundo sa'kin. May two weeks din ako bago mag handa sa pasukan pero nanatili lang ako sa bahay kasi si Miss na ang nag ayos ng lahat para sa'kin.

Wala naman nang-yari masyado, nasanay na rin ako sa mga sigaw niya dahil natigil naman siya pag alam niyang badtrip na rin ako sa matindi niyang katopakan.

Siya ang nag luluto para sa'kin. Hindi naman masyadong madumi ang apartment kaya siya na rin ang nag wawalis, pagkatapos namin kumain ay siya rin ang mag huhugas, ayaw niya akong payagang mag hugas dahil napaka bagal ko daw na parang pagong, mababarino lang daw siya.

Bipolar si ma'am, minsan ang bait bait, minsan ang sungit pero okay na siya as my caretaker dahil ginagawa naman niya ng mabuti ang kanyang trabaho.

Siya rin ang nabili ng mga gusto kong bilhin. Nag-iinsist ako na pera ko nalang ang gamitin pero ayaw niya. Ni-miski yung kotse na gustong gusto ko, binigay niya sa'kin, bibili nalang daw siya ng bago.

Nakatingin lang naman ako sa kotse niya eh, hindi ko naman siya hiningan tas nung tinanggihan ko, siya pa nagalit.

Hindi niya ako pinapayagang lumabas kung hindi ko kasama ang aking mga kaibigan o kaya kung hindi ko siya kasama. Kala naman niya siguro tatakas ako.

Ayaw din daw niya kasi maalis ako sa paningin niya at baka daw bigla ako'ng mawala.

Pag tatanungin ko siya kung bakit siya ganon sa'kin, ang isasagot niya lang ay dahil wala raw siyang choice at katulad nalang daw ng aking sinabi, trabaho niya raw 'yon.

Caretaker lang daw ang tingin ko sa kanya.

Ano bang gusto niya na itingin ko sa kanya? Alien?

Eh kung ayaw niya ako alagaan, edi wag! Edi sana umalis na siya!

Katulad noong isang araw na pinamigay namin yung luto niya, kung saan ako pumunta, doon rin siya pupunta.

Tapos pag nakikipag shake hands ako sa mga taong ka-age ko na binigyan ko ng pagkain, napakasama ng tingin niya doon sa mga pinag-bigyan ko, kala mo mga kriminal na gumawa ng kasalanan.

Tapos ang mga bata ay hindi makakain ng maayos gawa niya! Paano baga naman, may mga bata kasing lumilibot sa'kin na tila humahanga at kinikilig tapos si Miss ay katabi ko lang, aba'y sinamaan ng tingin na kala mo'y papatay ng tao.

Parang tanga eh.

FLASHBACK

"Ate ate, may boyfriend na po ba kayo? Pwede po mag apply?" Sambit ng bata na parang siyam na anyos pa lamang.

"Hindi niya kailangan ng boyfriend, girlfriend ate gusto niyo po? Bading po ako" Tugon naman nung isang batang babae, suskopo.

"Kung ayaw niyo po, doon nalang po ako sa kasama niy-nye." Bigla naman natakot ang isa pang bata na nagsalita nang bigla itong tumingin kay miss Cypress. 

Tumingin naman ako sa kasama ko at wala akong nakitang reaksyon dito kundi naka busangot lamang.

Bakit natatakot ang mga batang to?

Binigyan ko na sila nung pagkain kaya todo ang ngiti ng mga to'. Hindi ko alam kung bakit... ngunit bakit ang tatalandi ng mga bata ngayon? Paulit ulit silang nag sasabi na ang ganda ko raw pero pag sasabihin nilang maganda si Miss Cypress ay binubulong nila lamang ito.

Mayroon pa silang mga hugot lines na sinasabi sa'kin ngunit pinag sawalang bahala ko na lamang. Hindi ko naman alam ang irereact ko.

"Oh? Bat hindi pa kayo nakain?" Sabi ko at sinusubukan ko'ng magbigay na kahit konting pagkasaya sa aking tono ngunit hindi ko pa rin kaya. Buti hindi ako nasasabihan ng mga bata na masungit.

Professor, I Can Take Care Of Myself [COMPLETE] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon