"Abraham, sama ka mamaya?"
Tinanguan ko si Luigi. Kakatapos lang ng huling subject namin, nag-aayos na kami para makauwi na. Inantok ako sa huling subject, sino ba naman nakaisip ng Physics sa panghapon na klase? Ang sagwa pa ng instructor, matanda na nga, masungit pa.
"Isasama mo ba mga kapatid mo?" usisa ni Marco sa akin.
"Kung gusto niyo magkahulihan sige isasama ko."
Close naman ako kay Adi at Apollo pero hanggang bahay lang ang closeness naming tatlo. Sa mga lakad ko wala na akong tiwala sa kanilang dalawa. Si Apollo natural na pinaglihi sa pagiging tsismoso, si Adi wala eh, boring, hindi marunong magsinungaling. At ang lakad ko mamaya hindi 'yon dapat makarating sa mga magulang namin lalo na kay daddy. He will kill me.
"Sayang naman. Sabi pa naman ni bossing kung mas maraming recruit may bawas sa palo."
Nginisian ko siya. "Bahag ba buntot mo?"
Namulahan siya ng mukha. Halatadong napikon pero hindi lang makapagsalita. Wala siyang panama sa akin, mas malaki akong 'di hamak sa kanila ni Luigi. Tsaka nakita na nila akong nakipagbasag ulo sa mga Seniors namin, kaya nga nila ako ni-recruit sa tropa nila.
"Makakaalis ka ba mamaya sa bahay niyo? Balita ko nakidnap ate mo ah? Baka humigpit na lalo security sa inyo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagsabihan ko na sila na huwag mabanggit-banggit ang tungkol sa pamilya ko. "Mamaya na. Magkita nalang tayo." Sinukbit ko na ang bag sa balikat ko tsaka na ako lumabas sa classroom.
Dumeretso ako sa third floor ng building, iintayin ko labasan ni Apollo para sabay kaming mag-aantay rin kay Adi. Ang gagago kasi nilang dalawa, nasa top section kaya hindi kami magkaklase, lalo na si Adi, may mga special class pang nalalaman kaya tuloy anong oras kaming nakakauwi dahil isa lang naman sundo namin. Hindi na talaga ako makapaghintay magkolehiyo na pero takte ang tagal pa, dalawang taon pa.
Natawa ako sa loob ko nang abutan ko si Apollo at ang kaklase niyang babae na naghahalikan sa classroom nila. Tahimik lang akong umupo sa likurang parte ng silid, hindi naman nila ako napansin, wala rin akong pakialam sa kanila, sobra pa nga diyan ginagawa ko.
"What the hell, bro!" naalis ang tingin ko sa cellphone ko sa biglang bulyaw ni Apollo sa gawi ko. Nanlalaki ang mga mata niya halatang galit sa akin habang ang babae niya namulahan ng mukha at hindi na nakakandong sa kanya. "Kanina ka pa ba diyan?"
"Just continue. I don't care."
Bumaba ulit ang tingin ko sa cellphone ko, naglaro lang ulit ako. I didn't check kung naghalikan ba ulit sila o ano.
"You really are a fucker," sikmat sa akin ni Apollo nang pauwi na kami. Ginabi na kami dahil sa practice ni Adi ng tennis.
"Wala akong pakialam if the two of you had sex kanina."
"She got shy for fuck's sake," irita niyang sambitin sabay masahe sa gilid ng ulo niya. He is damn frustrated to lose his virginity, may pustahan kasi kami kung sinong unang makakatikim ng langit.
I also didn't had the chance to lose mine. Yet. Pero may prospect na ako, she's way—way older than I am. I don't want to lose it to some high school chick. They will only be freaky and think I am serious of them. Drama lang 'yon.
"Tigilan niyo na nga' yang dalawa. Women aren't toys," sali ni Adi sa usapan. Nasa tabi siya ng driver kaya napalingon pa siya sa aming dalawa.
"Bakla," sabi ko. Sinipa ko pa ang likuran ng upuan niya pero napabuntong hinga lang siya. Tsk. I really hate Adi's guts. He thinks he is always right. He really rub it on my face that I am the dumber triplet. Matalino rin naman ako, hindi lang gaya ng pagiging matalino niya. Sa ibang bagay ako matalino.
"Bro, ang tagal niyo na ni Laureen ah. It's been like what? Half a year? You can do the home run, she's all over you," Apollo talks like pushing.
"Huwag niyo akong isali sa laro niyo," Adi flatly respond. Arogante talaga.
"Hindi ka naman kasali sa laro. It was only a suggestion. Para alam mo na—" Apollo hang his words. He is scared of Adi, ewan ko sa kanya wala namang nakakatakot sa feelingero naming triplet.
"Para hindi ka magmukhang boring at sobrang kj na buhay namin ang pinapakialaman." Ako na ang tumapos sa salita ni Apollo.
Adi face us harshly. Napataas kaagad si Apollo ng dalawang kamay sabay atras lalo palayo. Tinaasan ko lang ng kilay si Adi. We fought countless times, he can't never win over me, maliban lang kung pagtulongan nila akong dalawa.
"I won't say a thing anymore but here's my last advice to you. Stop being so stupid, Abe. You will get yourself into trouble. Okay sana kung ikaw lang pero nandadamay ka pa." Napailing pa siya sabay harap na sa unahan.
Sinipa ko ang likuran ng upuan niya. He insulted me and I want to start a fight. But he has a high tolerance and made me more eager to snap at him.
"Ang yabang mo, ano ba talagang gusto mo? Suntukan?" hamon ko sa kanya habang papasok na kami sa bahay.
"I am not a caveman. I won't fight you."
Nauna siyang makapasok sa bahay, akmang hahablutin ko siya mula sa likuran nang harangin na ako ni Apollo. "Bro tama na. Kilala mo naman si Adi."
Kinalas ko ng marahas nag hawak niya sa balikat ko. "Pagsabihan mo 'yan, kung hindi babasagin ko pagmumukha niya."
Dere-deretso na ako sa taas. Naisip ko pang batuhin ang kwarto ni Adi pero nasa baba lang sina daddy kasama ang mga kaibigan niya. Ako na naman sasamain kapag nagkataon.
Luigi keep on bugging me to come over quick pero hindi pa ako makakuha ng tamang timing. Dad isn't asleep yet. Ayos lang kung mga tauhan namin ang makahuli sa akin pero kapag si daddy na paniguradong sa hospital ang bagsak ko kinabukasan.
Nagbibihis na ako ng pang-alis nang may kumatok na akala mo ay naghahamon ng away. Pagbukas ko ng pinto ay napakunot ang noo ko. Adi is standing in front of me with a very worried expression, Apollo is behind him, scratching his nape with a teary eye.
"Problema niyong dalawa?"
I zip up my pants and shut down the door behind me. "Ano nga? Tutunganga lang kayo diyan?"
Adi swallowed hard. His arrogant eyes are gone; it's all worry and fear. I am not used to it na nag-alala rin ako ng kaonti.
"N..nakita na nila si ate—" napalunok ulit siya.
"Oh nakita na pala eh. Anong inaarte niyong dalawa?"
Ate Shas was "kidnapped" or better say runaway with her boyfriend for like two weeks now. We supposed to fly to Romania for holidays pero ang papansin naming ate ayon at naglayas. Dad was making a big fuss out of it, palibhasa ay nag-iisang babae. I could even remember the last time dad scold his Isabela. Sa bahay kasi kasalanan ko lang naman ang nakikita, ang mga kapatid ko wala 'yan, lahat sila perpekto, lalo na' to si Adi at si Kuya Simon. Sobrang masusunurin, mga epal na bida-bida.
"Nasa hospital siya. Pumunta na nga sina mommy at daddy."
Sa halip na mag-alala ay natuwa ako. Ibig lang sabihin libre na akong umalis na hindi mahuhuli. Bumalik ako sa kwarto, nakasunod naman silang dalawa.
"Kapag tumawag si mommy kayo na bahala sa akin ha," bilin ko sa kanilang dalawa habang pababa na ako sa hagdan.
"Abraham saan ka nga pupunta? Dad said we need to stay here. Wala pa ngang update kung nasaan na ang kidnapper ni ate."
Napairap ako sa pahabol na salita ni Adi sa akin. Tinaas ko lang ang kamay ko na senenyasan siyang lubayan ako. "Kaya ko ang sarili ko—" tumigil ako sa paglalakad at nilingon silang dalawa na nakasunod na rin pala sa akin. "Huwag niyo akong isumbong. Malilintikan kayo sa akin, lalo na ikaw Adi."
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...