CHAPTER 17

280 12 7
                                    

I started meditating every night— I thought it will be easy for me to resist using substance and smoking weed but everyday is a struggle. Sa tuwing gusto ko ng bumigay tinatawagan ko si Cayenne. Marinig ko lang ang boses niya naaalala ko kung para saan lahat ng ginagawa ko.

"Tama na. Ayaw ko na. Ginagawa mo akong lab rat mo."

Tinulak ko na palayo ang sweets na ginawa ni Cayenne. She's practicing her skills in baking at sa akin niya pinapatikim. Kung pabaya ako sa katawan baka sa loob ng isang buwan na palaging kami ang magkasama sobrang taba ko na.

"Last nalang talaga. Please? Ako pa ba susubo sa 'yo?"

Inangat niya ang mint cupcake niya na lasang gamot tsaka nilapit sa bibig ko. Kahit mapanghi sa panlasa ko kumagat pa rin ako.

"Lasang gamot."

Napangiwi siya tsaka kumagat din sa kinagatan ko. Patago akong napangiti. Indirect kiss.

Hinawakan ko ang kamay niya at muling nilapit sa akin ang cupcake para kumagat ulit sa kinagatan naming una. Inubos ko na sa isang kagat lang, biglang sumarap.

"Matamis na."

"Lasang gamot daw pero inubos." Umirap siya tsaka nagsimulang maglinis ng kusina.

I've been spending so much money with her ingredients. Mom also noticed my bank statements sa credit card ko— she asked me about it. Sinagot ko nalang that I am dating a culinary student which is somehow true. Ang problema lang talaga hindi alam ng culinary student na nasa dating stage kaming dalawa.

"You'll stay hanggang dinner?" tanong ko sa kanya habang sinusundan ko ang bawat galaw niya.

She's fast with what she's doing. Kung gaano siya kakalat sa kwarto ganoon siya kalinis sa kusina.

"I will. Tsaka you promised me we will watch the new episode ng Dubai Bling 'di ba?"

Hinarap niya ako at ngumuso siya. I hate watching that show. It's like watching the Kardashians but more chaotic and crazy.

"Oo na. But don't hit me kung makakatulog ako."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "You said you'll gonna watch with me!" Bawat salita niya may diin na. I know I couldn't argue with that, sasamain ako sa kanya.

"Fine, fine. But you also have to go with me tomorrow. I will buy a new suit for my thesis defense."

"Ang effort mo hindi ka nga tumutulong sa group mo sa paggawa. You're here in your house while sila nagpupuyat na tapusin thesis niyo."

Naghalukipkip ako. "I am here kasi you want me to watch Dubai Bling instead. Kapag inuna ko ba sila hindi ka magagalit?"

Inirapan niya ako pero hindi siya sumagot. She knows it's true. She is extra grumpy nowadays. Ewan ko sa kanya kung trip ba niya ako basta kahit anong gawin ko lagi siyang naiinis. Huminga nga lang ako ng malalim galit na siya— and not that I don't like it but she's like craving for my attention every second of the day.

"What will we gonna have for dinner?"

Naligo ako saglit dahil nagreklamo siyang mabaho raw ako kahit hindi naman. Nag-aayos na siya ng mesa. Ang aga ng hapunan namin, six in the evening pa nga lang, nagmamadali lang 'yan para makapanuod kami ng dalawang episode bago siya magpahatid.

"As you requested, walang katapusang prawn."

I didn't stop myself with kissing her on the cheek. May control pa ako sa sarili ko nito dahil kung wala sa labi niya lalapat ang labi ko.

"Smells nice, taste good—" sabi ko na sa kanya nakatingin.

She proudly grin. "Syempre ako nagluto."

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon