Cayenne's loud sigh caught my attention. Naninigarilyo ako habang nakaupo sa likod ng aking Ford F-450 platinum nang bigla siyang sumulpot. Kakahatid ko lang sa kanya, hindi pa ako umaalis dahil inaantay ko na bumukas ang ilaw sa kwarto niya para masigurong nakaakyat na siya pero wala pang limang minuto at nandito na naman siya sa harap ko.
"What's wrong?" kunot noo kong tanong sa kanya. Pinatay ko na ang sindi ng sigarilyo at tinapon. Smoke is bad for her lungs.
"Wala sina mommy." Tunog nagsusumbong siya.
"And?"
She rolled her eyes with my lack of understanding. Malay ko ba kung anong gusto niya. She isn't like any of my girls na kapag sinabing walang kasama sa bahay automatic na pagkalalaki ko ang gusto nilang makasama.
"Boring sa bahay. Walang magawa, sumama rin si Nutty sa kanila sa Tarlac. Wala akong kasabay magdinner."
I narrowed my eyes trying to read between her words. "Are you inviting me to have dinner with you."
Umirap na naman. She really love doing that, pinagmamalaki niya siguro ang mahaba niyang pilik mata. "Duh? Obviously."
I jump out from the back of my pick-up. Umikot pa ako sa driver's seat at kumuha ng wipes at alcohol. I clean my hand to make sure there is no nicotine left. Inabot ko rin ang extra shirt ko na nakasabit sa upuan. I quickly change dahil sa pag-alala na may kumapit na amoy ng sigarilyo sa kaninang suot ko.
When I turn to face her I saw how read she is, from her cheeks to her nose. I should feel overwhelmed pero nakaramdam ako ng pagsisisi. Did I just corrupt her mind when she saw me half naked? That's bad.
"I'm starving—" I said pulling her to reality. Napakisap-mata siya. "Ano bang pagkain niyo?"
The baffled expression on her face turn to glad. Nawala na ang pamumula niya at ang permanente niyang ngiti ang pumalit.
"Magluluto pa ako. Tara help me."
She hold me on the wrist and pull me inside their high walls. Napatingin ako sa mukha niya habang hila niya ako. She looks so innocent, like a child that has no idea how really the world works. I can sense how naive and fragile she is. She's like a bubble, will break with just one touch. I suddenly feel protective.
I couldn't concentrate with food while we eat. Naiinis ako sa sarili ko nang may naisip akong kamundohan nang mapatingin ako sa kanya at masaksihan ang pagdila niya sa tinidor niya. Pilit kong isiniksik sa utak ko na para ko siyang kapatid. Dapat na protektahan, hindi paglaruan.
"Sino kasama mo diyan? Gusto mo puntahan ka namin ni Adiel?"
She's talking to Milan on video call after naming kumain. She's washing the dishes, back facing her iPad habang ako nakaupo ng tahimik sa highstool. Nakatalikod sa akin ang iPad kaya hindi ako nakikita ni Milan.
"Huwag na. Kaya ko naman. Tsaka paalisi ka na baka sabihin ni Kuya Adi nakikihati pa ako sa time mo."
Sinawalang bahala niya ang unang tanong ni Milan. Ewan ko pero nakahinga ako ng maluwag. May kung ano sa loob ko na ayaw malaman ng kung sino na magkasama kami kahit gabing-gabi na.
"Are you sure okay ka lang? Adi will understand naman. He won't mind as long as kasama rin siya. You know him, he's being a baby and super clingy this days."
Cayenne's gaze went to me. Lumawak ang ngiti niya habang kumikislap pa ang mga mata. "I'm sure, Mils. I can manage for the night. Safe naman ako rito. I have a bodyguard and may mga katulong din naman."
Napaiwas ako ng tingin. She doesn't know what she's talking about. Safe and being with me is something she shouldn't think. If she's with me she'll only find trouble. I am aware of it pero siguro nga gago ako, kasi kahit alam ko 'yon nandito pa rin ako sa harap niya.
"Text me if something came up. Love you, bye."
"Love you too, Mils."
Pagpatay ng tawag ay naghalukipkip siya patingin sa akin. Ngumuso na parang may gustong hingin. "Ano kayang feeling ng inlove?"
I hide my nervousness in a soft laugh. "Don't ask me, I never experienced falling inlove."
"Talaga? Kahit minsan? Kahit kunyari medyo-medyo lang."
"Never Cayenne besides I don't want to fall inlove. It makes people go crazy and not in control. Ayaw ko sa ganoong pakiramdam."
Ngumiti siya pero wala na ang kinang sa mga mata niya. "There's this guy who wants to pursue me—" she shared. "He's a good guy, goal oriented. He's also good looking and tall."
"Do you like him too?"
Tumango siya. "Yes, I like him too."
My troat went dry. I feel suffocated. I needed some water kaya napatayo ako at kuha sa dispenser. "Does your parents know?" I asked still facing my back to her.
"Not yet," she whispers but enough for me to hear.
"You should tell them first, Cayenne—" I face her, I am holding the glass of water firmly. I am a little worried that it might slip in my hand. "You're young, barely a woman. You are innocent. Wala ka pa halos alam sa mundo. Kailangan mo ng taong pagkakatiwalaan na kilatisin siya—"
"Gusto mo ba siyang makilala at kilatisin?"
Mariin kaming nagkatinginan. May kung ano sa mga mata niya na tila nagpapahiwatig ng pakiusap. "I'm not the right person to do that, Cayenne."
I went to their sink. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay naghugas ako ng baso na pinag-inuman ko.
"Sabihin mo sa mga magulang mo. If he's really into you pupunta siya sa bahay niyo. You're not the only person na dapat niyang ligawan, kasama dapat ang magulang at kapatid mo."
"Bakit ikaw hindi ka naman nanliligaw sa mga babae mo ah? You just went straight to them and make your way to their undies."
I faintly smile even though she couldn't see my face. "Kasi sila babae ko lang and you don't deserve that kind of label. You are Cayenne Gokongwei, you don't deserve to be just one of the girls. But if you lower yourself and let him get you easy, lahat ng susunod sa kanya ganoon din. Kaya ayusin mo mga desisyon mo, huwag kang magpakababa kasi dapat inaakyat ka."
Nang harapin ko siya at makita kung gaano ka lalim ang tingin niya ay hindi ko na nagustohan. I don't like the energy building around us. Baka makalimot ako. I don't trust myself anymore. I can't be with her when we are alone but I also don't want to be away just yet.
"Umakyat ka na. Maligo ka. Uuwi muna ako. Text me when you're done, may pupuntahan tayo."
"Where?"
"Where I am in control with my thoughts, Capsaicin."
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...