CHAPTER 25

270 9 8
                                    

I acted upon impulse- sinagot ko si Ralph na hindi na nag-iisip pa. I treasure my purity and losing it means losing half of my dignity. Pakiramdam ko mahihirapan na akong maghanap ng lalaking seseryosohin ako kaya sinamantala ko na ang pagkakataon habang kinalolokohan pa ako ni Ralph.

"Kami na ni Ralph."

Nag-iwan ng malakas na ingay ang pagkakalaglag ng mga plato mula sa kamay ni Kuya Abe. Nakatingin siya sa akin ng seryoso at hindi napansin na nasugatan ang paa niya sa tumalsik na bubog mula sa plato.

"W-what did you say?"

Kesa sagutin ang tanong niya ay tinulak ko siya sa dibdib. Nagmadali akong kumuha ng dustpan at walis.

"Cayenne-" hinawakan niya ako sa siko. "Anong sinabi mo?"

Winaksi ko ang kamay niya sabay tulak sa kanya palayo. He's not wearing any slippers for goodness sake. Ako natatakot sa kanya at baka lalo siyang masugatan.

"Tell me mali ba narinig ko?"

"Kuya hindi ka ba nasasaktan? Look may bubog paa mo."

Bumaba ang tingin niya sa paa niya. Napangiwi ako nang makitang dumugo na talaga ng nasugat niyang paa.

"Fuck, ang sakit," sambit niya pero sa akin na nakatingin.

"Tara, hugasan natin para magamot."

Nagpahila siya sa akin papunta sa banyo. Pinaupo ko siya sa toilet seat habang nililinis ang sugat niya. Napailing ako nang makitang hindi naman malalim pero maraming dugo.

"Bakit mo kasi binitiwan ang plato? Para ka namang tanga eh," pangaral ko sa kanya habang nilalagyan na ng ointment.

"Tanga talaga ako."

Kunot noo ko siyang tiningala. Kung makatingin siya parang marami siyang gustong sabihin. Nakakainis. Hindi pa naman ako sanay na seryoso siya.

Tumalikod ako para ibalik na sana ang medicine kit sa cabinet pero bigla siyang yumakap mula sa likuran ko. Tinignan ko siya mula sa salamin. Nakayuko siya at nakatago ang mukha sa balikat ko. Siniko ko siya para bumitaw pero lalo lang humigpit ang yakap niya.

"Parang tanga 'to. Bitaw nga."

"Are you sure about him? Do you love him much? Baka mapahamak ka?"

Napangiti ako sa mga tanong niya. I have two sisters and I always wonder how it feels like to have an older brother- a very protective and caring older brother, kay Kuya Abe ko iyon nakita.

"I am starting to like him. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nangyari pero hindi ko sinabi na si Kuya Adi ang lalaki. He accepts me. Magiging masaya ako sa kanya, Kuya."

Napabitaw siya pero bago ko pa man makita ang mukha niya ay nakatalikod na siya. "Labas ka. Naiihi ako," taboy niya sa akin.

Sa simula pilit akong kinakausap ni Kuya Abe at pinapamukha sa akin na niloloko ko ang sarili ko sa pagsagot kay Ralph. Nagtatalo na kaming dalawa at palagi rin nauuwi na siya ang hihingi ng pasensya kapag napikon na ako.

I made sure to spend time with Ralph, gusto ko siyang kilalanin at pinipilit ko ang sarili ko na mahalin ang mga bagay na mahal niya rin. I am learing to appreciate his hobbies- the silence that he is enjoying.

"Don't look at me like that, matutunaw ako."

Natawa ako ng mahina sa biglang sinabi ni Ralph. We're at a public library. He is doing research for his thesis habang ako tinitignan lang siya. He's getting more handsome each day.

"Don't laugh like that-" naghalukipkip siya sabay tingin sa akin na parang gusto niya akong ibulsa. "You're making me fall inlove with you even harder."

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon