CHAPTER 2

457 20 5
                                    

Tama lang ang dating ko sa abandoned factory na sinasabi ni Luigi sa akin. Nakita ko rin ang ilang kaedaran ko lang din na nakatayo sa isang gilid ng factory, lumapit ako sa gawi nila.

"Magsisimula na." Nahalata ko ang kaba sa boses ni Marco.

Nasa pinakadulo ako kaya nasaksihan ko kung paano isa-isang napaluhod at napasigaw ang mga nauna sa akin nang tanggapin nila ang welcome paddle nila para makapasok sa fraternity. Nang matapos na si Luigi ay ako na ang sumunod. Confident kong sinuot ang piring at nagpatisunod sa dalawang membro na ng Lambda Zeta.

Napangiwi ako sa unang palo na natanggap ko sa likurang bahagi ng mga binti ko pero hindi ako napasigaw kagaya ng mga nauna. Sanay na ako sa palo, mas malala pa ang mga natanggap ko noon kay daddy kapag may nagawa akong hindi niya nagustohan.

"Pangalan!?" sigaw ni Boss Mick, ang siyang chairman ng chapter ng Lambda Zeta sa eskwelahan. Mas matanda siyang 'di hamak sa aming lahat, professor din kasi siya ng University extention ng school namin. Kaya sobrang dali talaga sa kanya na makakuha ng bagong recruit mula sa eskwelahan.

"Abraham Saide—"

"Ah ikaw pala ang sinasabi nilang matapang," tila may mapanuya sa salita na namutawi sa dila niya.

Mariin akong napapikit sabay napaluhod nang tumama ang malakas na palo niya sa likuran ng tuhod ko. Foul. Gusto kong sumigaw pero nagpigil ako. Pinaka-ayaw ko sa lahat ang makita akong mahina.

Nakailang palo pa siya sa akin bago siya tumigil. Nahahapo kong kinalas ang piring sa mga mata ko. May nakalahad na kamay sa harap ko nang akmang aabutin ko 'yon ay iniwas ni Boss Mick. Nginisian niya ako.

"Ayos ka, Saide. Pasensya ka na sabi ni Boss Joaquin pahirapan ka eh," Ani niya sabay bungkol ng paddle sa noo ko para mawala ako sa ulirat.

Sapo ko ang noo ko habang nilalagyan ng yelo ang pasa na natamo sa binti ko. Maraming nangyari kagabi. Pagkatapos kong bawian ng ulirat ay nakipag-inuman na ako kasama ang fraternity brothers ko. Nasa garden ako kaya nang may marinig akong kaluskos ay mabilis kong tinapon ang yelo sa likuran ng mga halaman tsaka ko binaba ang pantalon ko para hindi makita ang mga pasa ko.

"Kuya pinapabigay ni mommy..."

Napatingin ako sa crystal food container na bitbit ni Cayenne. Kunot noo ko siyang tinignan nang mapansin ko ang mahaba niyang nguso. Paniguradong labag sa loob niya na siya na naman ang napag-utusan ni Tita Kirsten pero mabait na bata 'to eh kaya siguro sumunod pa rin.

"Deretso mo nalang sa loob."

Lalong humaba ang nguso niya pero umikot na rin siya papunta sa main door. Napailing ako. Ano ba kasing pumasok sa utak niya at dito siya sa garden dumeretso?

Pasindi na ako ng sigarilyo na dinukot ko sa bulsa ko nang sumulpot na naman siya, tinago ko na bago pa niya makita baka bigla magsumbong 'to, matabil pa naman dila niya.

"Bakit na naman?" iritang tanong ko nang mapansin na hawak pa rin niya ang food container.

"Nakasara nga kasi ang main door niyo? Kanina pa ako kumakatok at tumatawag, walang sumasagot," may iritasyon din sa boses niya.

I tsked. Tumayo ako at naglakad papunta sa sliding door na kumukunekta ng garden at dining area namin. Nang makapasok na ako ay hinarap ko siya, walang sabi kong kinuha ang food container sa kamay niya. Nahuli ko pa siyang nataranta. Gusto kong matawa sa panlalaki ng singkit niyang mga mata pero wala ako sa mood, masakit katawan ko.

"May kailangan ka pa?"

Napakurap siya na parang nataohan bigla. Pinaningkitan niya ako lalo ng mga mata. "Magpasalamat ka naman sana kuya."

"Salamat," sarkastikong sambit ko.

Napailing siya. "Kuya bakit ka ganyan?"

Nilapag ko sa mesa ang bigay niyang ulam. Sumandal ako sa mesa sabay krus ng mga braso ko. "Anong ganyan?" nakataas ang kilay kong tanong.

Umiling na naman siya. "Wala nalang. Sige, alis na ako."

Akmang tatalikod siya nang hulihin ko ang braso niya. Hinila ko siya pabalik, napanganga siya saglit sa gulat. "Ano ngang ganyan?"

"Wala nga..." inagaw niya ang braso sa akin pero hinigpitan ko lang lalo ang hawak sa kanya.

"Sasabihin mo o hindi ka na makauwi sa inyo?" panakot ko.

Lumaki ang butas ng ilong niya. Umirap pa. "Ayan na nga, nakakatakot ka. Nakita kita kanina naglalagay ka ng yelo sa pasa mo. Tapos ayan oh...." gamit ang libreng kamay ay dinampian niya ang pasa ko sa noo na ikinaluwag ng hawak ko sa kanya. "Nagbabasag ulo ka ba kuya?"

Tinignan ko siya ng mariin. She's so nosy but miraculously don't irritate me, maybe because I can see on her eyes she's only concern with what is happening to me. Natural lang sa kanya maging mabait, mabait din naman kasi mga magulang niya.

"Nasabi ko na, hindi ka naman sumagot," mahabang nguso na salita niya nang hindi ako nakaimik.

Napabuga ako ng hangin. "Don't meddle with the things na hindi ka kasali. You're only a kid..."

"Ako kid?" tinuro pa niya ang sarili.

"Yes, you are a kiddo. Go home and play with your toys..." tukso ko ng kaonti.

Bumusangot ang mukha niya. "Akala mo talaga ang tanda mo na. Teenager ka rin naman ah. So, if I'm a kid you're also a kid." Tumaas ang kilay niya at namewang pa. A kid acting like a grown up. Magaling. "Tsaka kahit na ba matanda ka na, it's not an excuse para makipag-away ka. Naku Kuya Abe, alam mo if magiging notorious ka you'll only end up in jail."

She survey me from head to toe. When her sight went to my forehead she again shake her head. Hinawakan niya ako sa kamay. "Tara na nga, sumama ka nalang sa bahay. Kaya ka siguro nakipag-away kasi wala Sina Uncle rito." Hinila na niya ako palabas at papunta sa kanila.

She keeps on lecturing me while we walk to their mansion. I just let her, hindi naman ako naiirita, nakakatawa nga siya kung magsalita, akala mo matanda na at alam na ang lahat.

"Masakit ka ba sumuntok kuya?"

Napatingala ako sabay buga ng hangin nang mata sa mata na naman kaming nagtagpo ni Cayenne. I don't know about this kid, maybe Uncle Reynald is telling her to check on me and my brother dahil nasa hospital pa rin ang mga magulang namin para bantayan si Ate Shas.

"I'll punch you so you'll know—" tumayo ako at inambahan siya ng suntok. My fist hang to the air inch away between her chinky eyes. I expected her to get startled but she just look at me like she's bored. Napahiya kong binaba ang kamay tsaka tinago sa likuran ko.

"Ano na namang ginagawa mo rito?"

Bumalik ako sa pagkakaupo sa lounger. Umupo rin siya sa bakanteng lounger na nasa tabi ng kinauupuan ko.

"Malakas ka nga sumuntok?"

Kunot noo ko siyang tinignan. "Ano ba sa 'yo kung malakas akong manuntok? I won't gonna punch you if that's what you're worrying about."

Her lips form into an upturn smile, she nodded her head like she understood. "You know Julius?" Umiling ako. "Iyong Senior High Julius? The one who walks like he thinks he is so gwapo kahit hindi naman?" Umiling ulit ako. Tinaasan niya ako ng kilay sabay tingin na parang hindi naniniwala. "Hindi talaga? Iyong captain ng taekwando club?"

Nagkibit balikat ako. Inagaw ko mula sa kamay niya ang popcorn na kinakain.

"Hindi mo kilala pero nasa hospital kasi binugbog mo raw."

Napaubo ako sa sinabi niya. I now know who she's talking about. Hindi ako kasali sa rumble na nangyari noong isang linggo, nagkataon lang na naabutan ko sina Luigi na nakikipagbasag-ulo, hindi naman pwedeng tignan ko lang. I know one guy was sent to the hospital pero hindi ko talaga kilala kung sino ang mga 'yon.

"Ngayon kilala mo na? Nako Kuya Abe—" pailing-iling siya. Inagaw niya pabalik ang popcorn niya. "I won't rat you to daddy kasi he will surely tell it to Uncle Sam pero kuya I think you should stop na. Makukulong ka talaga sige ka."

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon