CHAPTER 21

279 13 5
                                    

Durog na durog ako nang makarating sa Romania, ni hindi ko magawang tumawag sa bahay at kumustahin si Adi. I have no idea what is going on back in Manila, siguro nga mas mabuti na ang ganito.

I am betraying my own brother. I am giving him the responsibility that I should have. Wala akong masamang hangarin pero ito naman siguro ang mas nakakabuti hindi ba?

Adi will be a good dad compare to me. Magiging tahimik ang buhay ni Cayenne, malalayo siya sa kapahamakan. Hindi rin naman magtatagal at matatanggap ng lahat ang sitwasyon nilang dalawa. Ilalayo ko ang sarili ko hangga't kaya ko.

"Abe, mauuna ka ba sa Malibu o susunod ka sa amin ni Leo na umuwi muna sa Manila?"

Nasa cellphone ang tingin ni Ate Jackie habang kinakausap niya ako. We're eating dinner together pero kagaya ko mukhang nasa malayo rin ang isip niya.

"Anong gagawin niyo sa Manila?"

I have an idea but I do not want to entertain it. Adi loves Milan more than anything in the world, papanagutan niya lang ang bata sa tiyan ni Cayenne, iyon ang gusto kong paniwalaan. I will fix everything with myself— hihingi ako ng tulong kay daddy at sasabihin ko ang totoo kau Cayenne kapag sigurado na ako na hindi ko siya maipapahamak. Pero ngayon hahayaan ko na muna, kung isumpa man ako ni Adi wala na akong magagawa pa.

"Adiel's getting married—" napalunok ako. Pilit kong itinago ang emosyun na gustong kumawala sa loob ko. Hindi sila nagpaawat? Walang ginawa si Adi para mapapayag silang lahat na bata lang ang panagutan niya? Pinatong ni ate ang cellphone niya tsaka bumalik sa pagkain. "I didn't expect Adi to knock up a woman lalo at hindi niya girlfriend. I expect it from you or Apollo but not him."

Napainom ako ng tubig. Ate Jackie helps mom to raise us— hindi lang career niya ang dahilan sa kung bakit hindi siya nakapag-asawa, talagang binalikan niya ang utang na loob niya kay mommy sa pagkupkop sa kanya noon kaya inalagaan niya rin kami. She might have favor Kuya Liam but I know she also look highly of Adi. Sino bang hindi? Papunta na sa Santo ang kapatid ko na iyon. Pero sinira ko ang mataas na tingin sa kanya ng iba.

Sana lang maintindihan niya ang mga dahilan kong ito kapag naayos ko na ang lahat.

"I don't judge this woman ha, nakakalaro niyo rin naman siya noong mga bata kayo. She seems to be a good kid pero sigurado ba na si Adi ang tatay ng anak niya? She's bestfriends with Adi's girlfriend, babae rin ako, I know how women their age thinks. Baka nagseselos lang sa girlfriend ni Adi—

"Cayenne is a good woman, Ate. Kung hindi anak ni Adi ang nasa tiyan niya for sure she also has no clue about it."

"Pwede ba iyon? You don't know who you had sex with?" kunot noong tanong niya.

"Don't judge her."

Lalong kumunot ang noo niya. Matagal niya akong tinignan bago siya nagkibit-balikat at tumahimik nalang.

Problemado akong umakyat sa kwarto ko. Sa loob ng ilang araw nagkaroon ako ng lakas ng loob na buksan ang cellphone ko. Napakagat ako sa labi ko nang wala akong kahit isang message na natanggap mula kay Cayenne. It's like she accepted it that I needed to go away from her. Nasaktan ako. Inasahan ko na magtatanong siya kung bakit bigla akong umalis at iniwan siya sa mahirap na sitwasyon. We might not have a relationship but to her I am her bestfriend.

"Sabi ng mommy mo dumeretso ka na ng Malibu. The wedding is for convenience lang naman kaya your presence isn't needed. Kawawa rin talaga si Adi. He is so brokenhearted. Kwento ni Apollo they had their closure na."

Inakyat ako ni ate Jackie sa kwarto para lang sabihin iyon. Wala siyang ideya na nawawasak ako sa loob ko na ikakasal ang babaeng mahal ko sa iba, sa kapatid ko pa pero nagagalit ako sa kanya. It's like she is rubbing all my mistakes in my face. Kung alam niya lang ang hirap ko na buhatin lahat ng problema ko na mag-isa.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon