CHAPTER 41

358 10 33
                                    

Ilang linggo na akong nasa Bilibid at kahit isang beses hindi ko pa nakikita si Joaquin. Mainit na rin ako sa mata ng ibang preso at alam kong dahil 'yon sa pressure ng warden— he is desperate to use me for his own scheme.

It feels like my life is always on the dead line. Nagising nga ako ng minsan na may nagbalak na saksakin ako— nabartolina ako dahil sa nakipag-away na ako. I can't die here— not before I can secure the safety of my loved ones outside.

"Attorney Castañedas told me na you instruct him to not make an appeal sa higher court." Jia visited me again. She haven't miss a day— siya lang nag-iisang dalaw ko maliban sa abogado ko. "Look at you. Napag-iinitan ka na rito. I'll talk to my dad. He can do something to give you special treatment here."

"I deserve to be here. Dapat hindi ka na dumadalaw."

"Saide—" pinatong niya ang kamay sa tuhod ko. "You were my friend before we had a relationship. Alam ko naman that you want Cayenne to be here pero hindi ba wala naman siya?"

Umupo siya ng maayos paharap sa mesa. Sinimulan niyang ilabas ang mga pagkain na dala niya. She has a good heart coming here kaya kinain ko ang dala niya.

"I will ask dad na ilipat ka ng cell. Is it okay with you na malapit sa high profiled inmates? You'll be secured naman."

Luminaw ang pandinig ko sa sinabi niya. This is my chance to be closer with Joaquin. He is there— I can talk to him.

"If it's okay with you—" hindi nagpapahalatang sabi ko. "But I really can't be with you anymore, Jia. Sasaktan lang kita."

"It's fine. I understand. You were the best boyfriend I ever had. I wanted to help, Saide. I really do. Mahal kita eh."

Nagawan nga ng paraan ni Jia na mailipat ako sa bagong selda. I don't have much luxury like everyone on the high profile side but atleast I have the access in them.

I spotted Joaquin on my second day— I didn't approach him but instead study his routine. He's always alone, kung hindi siya nagbabasa ay nasa craft room siya at nakikisali sa paggawa ng mga gamit mula sa recyclables.

"Kilala mo si Joaquin?" tanong sa akin ni Peter, kasama ko siya sa selda at anak ng mayamang Chinese kaya napahiwalay rin sa siksikang selda.

"Hindi," tanggi ko. I have few acquaintance here inside but I trust no one. Lahat ng nakakasalamuha ko kung hindi murder ang kaso ay robbery— "Why, you know him?"

Tinaas niya ang paa niya sa isang upuan. Nanunuod kami ng basketball pero parehong kay Joaquin na nagbabasa sa labas ng kubol niya ang mga mata namin.

"Who doesn't know him? Wala yatang hindi kakilalang criminal 'yan si Joaquin. Nagpapatakbo ng droga 'yan."

Inalis ko ang tingin kay Joaquin papunta kay Peter. "Pwedeng makakuha sa kanya ng drugs ngayon?" pinamukha ko na interesado ako sa drugs at hindi kay Joaquin mismo.

Tumawa siya. Tinapik niya ako sa balikat. "Retire na 'yan. Mukhang may nangyari sa kanya na nagbago na. But if you want some information to where you can get drugs here inside o baka gusto mo ng baril, protection. He's your guy."

Mukhang tama si Elias. May makukuha akong impormasyon kay Joaquin. I can't just walk to him and ask— kailangan ko pa ring maging maingat.

Nang maaral ko ang pasikot-sikot sa preso ay binuo ko na ang plano ko. Nilapit ko ang sarili ko kay Peter, hindi siya marunong manahimik kaya nalaman ko kung saan ako makakakuha ng patalim bilang proteksyon.

Bumangon ako ng madaling araw. Sinigurado kong tulog na si Peter at ang isa pa naming kasama sa selda bago ko binuksan ang padlock— Elias taught me to break open the lock before I came in prison, I couldn't thank him enough.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon