CHAPTER 30

324 18 7
                                    

I only have one choice to stop the wedding, running away. Makikita at makikita nila ako but for sure my desperation to run from it will eventually make atleast one heart to melt and have mercy to end the nonsense. 

This is only a small sacrifice. Ilang oras ng tumatakbo sa isip ko ang mukha ni Milan nang mag-usap kami kanina. I can't bare thinking my bestfriend is having a heavy heart because her man will marry someone else.

I pack up my things. I only have a little cash with me and withdrawing isn't an option, mas mabilis nila akong mahahanap kapag ginawa ko 'yon. Kumuha ako ng mga alahas sa jewelry box ko tsaka ko nilagay sa ziplock. I can survive a year if I manage my money well sa pagbenta ng mga alahas ko.

Inintay ko na tumahimik ang buong bahay bago ako maingat na bumaba. I will surely get caught on the CCTV but before they will discover it I am already gone.

Sa likuran ako dumaan para walang nagbabantay. Nangangapa ako sa dilim nang marinig ko ang boses ni daddy.

"Iz you're the only person I know that can convince Kirsten to stop the wedding. Awang-awa ako sa anak ko."

Tumigil ako para makinig. Bakas sa boses ni daddy na nahihirapan siya, na nasasaktan. Napatakip ako sa labi ko sa takot na baka may kumawalang hikbi at malaman nilang nakikinig ako.

"Why would I do that? Kasalanan mo, hindi mo binantayan ng maayos ang mga bata. I will not gonna allow someone to disrespect the family kahit pa anak ng kaibigan natin."

Napasilip ako nang marinig ko rin ang boses ni Papa Izrael. Nandito siya. Hindi ko makita ang mukha nila at tanging sindi ng sigarilyo ang nakikita ko.

"Adi doesn't love Cayenne—

"Ikaw ba mahal mo ang pamangkin ko pagkatapos ng may mangyari sa inyo? Hindi naman 'di ba? Pinakialaman niya panindigan niya. Sikapin niyang aralin na mahalin."

Natahimik si daddy. Sa tuwing sinusumbatan siya ni Papa Izrael ako ang naaawa sa kanya. His patience is worth twenty years already.

"I don't play around Rey you know who I am. Mag-ubosan na kami ng yaman ni Samuel ipapakulong ko hindi lang isa niyang anak kundi dalawa."

"You know how rich he is compare to us combined. Pag-usapan natin ng maayos para sa mga bata."

"But is he powerful here? Sa Romania lang kapangyarihan niya, hindi siya uubra sa akin dito. I will taint his name, his wife's reputation and even his kids. Alam natin lahat ng baho nila, kung mapahiya si Cayenne edi magpahiyaan na tayong lahat."

Napasandal ako sa pader. Everything already gotten out of hand.

"We're not even sure when did Cayenne conceived the child. Nasa iisang building ang unit nilang dalawa. Milan is always away. We don't know what really happened. Baka pareho silang nagpadala. I love my daughter, Iz. I can give everything for her happiness— para sa kabutihan niya pero tanggap ko na hindi santo ang anak ko."

"I don't give a fuck if it didn't happened during the bar party or how it happened or who the fuck initiate it. Nangyari na, may bata na. Tinulongan natin si Sam na linisin ang ginawa ni Abraham nang gabing 'yon, ngayon na siya magbayad ng utang na loob."

Hearing Kuya Abe's name make me worried. Mula kay Uncle Sam, Tita Anika pati kay Kuya Adi they will find an excuse to clear their names— but Kuya Abe? He's far more broken— he is just starting to fix himself little by little. Yes he did a huge mistake distributing drugs on that night but I can't take away his chance to change himself.

Walang nagtitiwala sa kanya. He is with me during the times I needed someone to listen, to be just there. This might be unfair to everyone who died that night but I am not a hero. I won't make a decision to favor them, sana lang hindi mapunta sa wala ang kahibangan na gagawin ko.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon