CHAPTER 33

271 12 1
                                    

CAYENNE AMINA YLOUISE

Nagulat ako na makita si Kuya Abraham sa harap ng pinto. I don't know how to act kung papapasokin ko ba siya o magtatanong muna ako kung anong kailangan niya.

I heard he had a fight with Adi yesterday. Knowing his nature baka gusto niyang makipag-away ulit.

"Kuya Adi isn't here," kalmadong salita ko kahit na hindi na ako mapakali sa paraan ng tingin niya. He is like scanning my soul. He wasn't this obvious before and it is making me uneasy.

"I came here for Stefano." His voice is stern and cold. He sounds a lot more dangerous that seven years ago. He was so weak and vulnerable the last time we spoke but now he speaks power and dominance. "May pinuntahan kasi ako malapit dito kaya dinaan ko nalang."

Tinaas niya ang apat na naglalakihang paperbag na hawak niya. It has a logo of a luxury brand for kids.

"Pwede bang pumasok?" tanong niya pero kay Stefano na siya nakatingin.

He is my husband's brother, kahit sabihing hindi naman ganoon ang turingan namin ni Kuya Adi wala namang alam ang iba. Binuksan ko ng mas malaki ang pinto. Inisip ko pa kung kakasya ba siya- he is bulkier, taller. I couldn't stop but stare to his tattooed arms- on his left arm he has few and on his right he has full-sleeved covered. May kung ano sa isip ko na gustong isa-isahin ang meaning ng bawat tattoo na meron siya.

"Gumagawa pa lang kami ni Stefano ng chocolate chip cookies. May gusto ka bang inumin, hindi pa kasi tapos!" Malakas na salita ko mula sa kusina. Naiwan siya sa sala kasama si Stefano.

Stefano is easy to tame, basta may regalo wala ng problema. He will get along good with anyone who gives him present. Nakakakonsensya kasi habang lumalaki siya he doesn't have that much luxury, we needed to prioritize other things like our food and bills. Ngayon lang naman naging maginhawa ang lahat sa amin simula ng maging ganap na abogado si Kuya Adi.

"Can I have water?" malakas din na salita niya.

Water is too plain. Nakakahiya naman kung 'yon lang talaga ibibigay ko sa kanya. Bisita pa rin naman siya. I made him a freshly squeezed orange juice, nang ibigay ko sa kanya sinamahan ko na ng tubig na hinihingi niya.

"Wala kang trabaho?" tanong niya habang nakatutok ang tingin niya sa remote control na nilalagyan niya ng baterya. Stefano is at his other side waiting for him to finish.

"Mamayang gabi pa. Wala kaming yaya kay Stefano kaya kailangan naming magsalitan ni Adi."

Napaatras ako ng kaonti nang bigla siyang tumingala sa akin. A familiar feeling woke up inside me- it's unexplainable, it's scary.

"Umm iyong binibake ko pala-" pag-iwas ko sa tingin niya. Tumalikod ako pero kaagad napaharap nang hawakan niya ang kamay ko. "Kuya-

"If you need help with Stefano you can call me." Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa at inabot sa akin. "Wala naman akong gagawin. I can babysit for free. Bayad ko sa pagsuntok ko sa mukha ni Adi."

I feel so awkward moving around the house knowing that Kuya Abe can see me. Kanina pa ako nanalangin na umuwi na si Adi pero tumawag ba naman na overtime siya- he's telling me na idaan nalang si Stefano sa office niya since it's along the way pero nahihiya rin akong itaboy na pauwi si Kuya Abe.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon