CHAPTER 20

322 13 5
                                    

Marami akong ginawa sa buong araw, hindi lang sasabihin ko at sarili ang inihanda ko. I made sure na malinis bawat sulok ng apartment para kung sakali na palayisin na kaming dalawa ay hindi siya mahihirapan.

Mom called me early in the morning. She reminded me of my flight to Romania later at midnight, I made it clear to her na hindi ako tutuloy but she guilt tripped me that I am giving her stress. It wouldn't change my mind, kahit pa sa hospital ang bagsak ko kapag nagalit si daddy dahil napalungkot ko na naman si Mommy.

"Mom wants me to talk to you—" nakipagkita sa akin si Apollo sa Tiana's Cafe sa loob ng mall. Kung hindi niya lang ako nakasalubong habang bumibili ng regalo kay mommy hindi naman talaga ako makikipag-usap sa kanya. Kasi para saan? Buo na ang isip ko. "She wants me to convince you na pumunta ng California."

"I made up my mind. Hindi ako tutuloy."

He stir his dark coffee, nang inumin niya iyon ay napangiwi siya at dinura pabalik sa cup ang nasa bunganga na niya. What a dumb asshole. He forgets to put the creamer and sugar.

"Nahuli ka na ni mommy sa ginagawa mo," salita niya habang nililinis  ng tissue ang dila niya. "Akala ko ako lang may alam pero mukhang kahit si Adi alam din. Iintayin mo pa bang malaman ni daddy?"

I was a user since I was fourteen. Ilang beses na akong nahuli ng mga tauhan ni daddy, kahit si Adi at ate nahuli na rin ako sa akto— I stopped for a while para magpalamig at bumabalik pa rin ako kapag naramdaman ko na walang nagsusumbong kay daddy. Ngayon yata ang pinakamatagal na hindi ako gumamit, almost three months already. It's an achievement for me.

"Kung malaman man niya hindi na rin ako gumagamit."

"Hanggang kailan naman? Old habbits die hard sabi nga nila. Sisirain mo talaga sarili mo? I mean I don't care, buhay mo naman 'yan. But how about mommy? Naisip mo naman siguro siya hindi ba? Kahit huwag na si daddy."

Lumapit ang waiter at binigay ang sliced cake niya kaya natahimik kami. Napaiwas ako ng tingin sa labas ng cafe.

"Huwag mo akong pakialaman, hindi kita pinapakialaman."

"Okay, I won't pero pag-isipan mo lang ng mabuti."

He just had a single bite on the cake and stood up to leave me. Napasandal ako sa upuan ko. Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Apollo. Will I go back to my habits if I will not fly to California? Ano bang pinagkaiba? It's the same facilities, I have my willingness. Kung isasama ko ba si Cayenne papayag siya? But she has plans to fly in London, kaya ko bang baguhin ang isip niya?

Kinalma ko ang sarili ko, walang magagawa kung ipapakita ko sa kanila na galit ako sa pangingialam nila. No one will believe I can do change except for myself, isang tao lang ang gusto kong paniwalaan ako, si Cayenne lang 'yon. Kung tawanan man ng lahat ang kahibangan ko problema na nila iyon.

I texted Cayenne that I wanted to talk to her before the party starts, I said I'll comeby to their house — she didn't reply but I assume she read it.

I usually wear black or grey if there's formal occasions like this one but tonight I pick a wine red three piece suit— I look like a total different person, I even look more like Apollo than myself but red is Cayenne's favorite color, I am thinking that maybe she's wearing a red gown tonight.

It's already dark when I drive to the village, mom will celebrate her birthday at home— hindi naman kasi ganoon ka rami ang imbitado. Mula ulo hanggang talampakan ang kaba ko lalo at papalapit na ako. Nakailang bote na ako ng tubig dahil pakiramdam ko natutuyuan ako ng lalamunan. Paliko na ako papasok sa village namin nang bigla akong napapreno.

"What the hell!" napamura ako sa gulat. May biglang tumapon ng bato sa windshield ng kotse, nabasag iyon at dumerekta sa shotgun seat. Napahinga ako ng malalim. I am lucky it didn't went straight to my face. I will probably fall unconscious.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon