CHAPTER 40

350 13 5
                                    

I went back to my apartment like nothing happened. I already bought a new phone and car but I didn't dare calling Cayenne— pasalamat nalang din ako na nasa Singapore sila, kaya kong pigilan ang sarili ko na hindi sila sugurin ng yakap.

I pretended like I know nothing— that I don't have any plan of destroying the syndicate that is after me. Nagdadala ako ng babae sa apartment pero hindi ko sila ginagalaw, pinapakita ko lang sa mga lihim na binabantayan ako. I can't let them know how badly I am inlove with Cayenne— hindi nila pwedeng malaman na siya ang kahinaan ko. I want them to think na ang pilit kong paglapit sa kanila ni Stefano noong mga nakaraan ay pinagsawaan ko na.

It took three days for the syndicate to contact me through Mick— he asked me about my car and old phone. I gaslight them into thinking na may iba pang pinadala ang sindikato para sirain ang mga 'yon.

Just like what we had planned— nang sabihin nila sa akin na kailangan kong gawin ang pinapagawa nilang pagpatay sa susunod na makakalaban ko sa Octagon ay nagmatigas muna ako pero kalaunan pumayag din. I was praying na bumaba na ang warrant of arrest sa akin bago pa man ako makalipad pabalik ng Las Vegas.

"Saide, may bisita ka ba kagabi?"

Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain sa tanong ni Marga. Pinatawag ko siya para maglinis ng bahay at para ipakita sa kung sinong nakasunod sa akin ng ilang araw na may babae ako at hindi lang si Cayenne 'yon.

"Bakit?" balik tanong ko kesa sumagot ng deretsong wala. Umalis ako kagabi, nagkita kami ni Elias, umaga na akong nakauwi.

"Wala naman. Sabi ng panganay ko nakita niya may mga lalaking lumabas ng bahay mo mga naka maskara sabi ko baka may handaan ka hindi ka nag-imbita," patawa-tawa niyang sabi habang nagwawalis.

Tumahimik ako, hindi ako nagbigay ng kumento. It's not safe to stay here anymore— baka nagdududa na sila sa akin.  I need to inform Adi that he needs to rush the case.

"Marga, gusto mo bang ilabas mga anak mo mamayang gabi?"

Tumigil siya sa ginagawa niya at binigay ang atensyon sa akin. "Birthday ng bunso ko baka pupunta lang kami ng Jollibee."

"Bring them to the amusement park. I will drive you ako na rin magbabayad," alok ko.

Sa sobrang saya niya ay napatakbo siya sa akin sabay yakap. I couldn't feel more guilty again— pwede ko rin silang mapahamak pero isang beses lang 'to, kailangan ko lang makausap si Adi na walang makakaalam.

I needed to make sure everything will go smoothly. I snatched Marga's phone without her knowing— ayaw kong tumaya na baka ang cellphone ko ay monitored na rin. I texted Adi we need to meet and where to.

Marga has two teenage girls and one boy that same age with Stefano. I oath to myself I protect them for today. Pagdating sa amusement park ay binigyan ko ng pera si Marga, nagpaalam ako na sa kainan lang ako at tatawag nalang kung uuwi na.

Pumunta ako sa kung saan halos wala ng espasyo sa dami ng tao. Kanina ko pa alam na may nakasunod sa akin at kailangan ko muna siyang walain. When I am so sure no one is tailing me lumabas na ako ng amusement park— I took a taxi at nagpahatid sa picnic place na sinasabi ni Adi.

Pagdating ko ay nakita ko siya kaagad kasama ang pamilya niya. Milan is already back kaya siguradong nakauwi na rin si Cayenne. They're having a fun time, eating on the picnic blanket while laughing and tickling each other. Hindi ako lumapit, tumayo lang ako sa tabi ng isang malaking puno at hinintay na mapansin nila.

Nang mapansin ako ni Adi ay tinignan niya ako tsaka siya tumingin sa parking lot na nasa kabilang parte ng picnic place. Nakuha ko ang gusto niyang iparating at pumunta na doon.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon