"I couldn't believe it even after I did a home pregnancy test. Dalawang buwan na akong delayed. Ayaw kong paniwalaan. Isang beses lang 'yon eh— isang gabi lang pero nang pumunta ako sa clinic sabi ng doctor buntis ako." Napasinghot siya. She's too strong not to burst into a dramatic cry right now. "How could I explain this to my parents? Anong iisipin nila sa akin? Tsaka si Milan? Anong mararamdaman niya? I am pregnant with her boyfriend's child."
There's too many problem occurs with her pregnancy but I couldn't mind all of it. Isa lang ang pumapasok sa utak ko. Buntis siya, magkakaanak kaming dalawa— magiging tatay na ako.
Fuck.
I will flipped if some random girl tells me I'll be a father to their child but Cayenne's? Damn! If only I can tell her now how happy I am. Bata pa kami pareho, hindi pa handa sa ganito kalaking responsibilidad pero mas mabuti na ito. She has no choice but give me a chance to enter her life.
"Are you sure you are pregnant?" I wet my lips. I take a step and squat in front of her. "Maliit naman ah. I can't feel anything."
Tinulak niya ang kamay ko na hinawakan ang tiyan niya. "Seryoso nga kasi, Kuya! Anong gagawin ko?"
Huminga ako ng malalim. I will have to tell her everything but I need atleast a week. She is strong, kaya naman siguro niya kapag sinabi ko sa kanya ang totoo? Magagalit siya pero magkaka-anak na kami, sapat na dahilan na siguro 'yon para huwag niya akong itaboy?
"Don't stress yourself, iyan ang gawin mo. Alagaan mo ang bata."
Tumayo ako at hinila rin siya patayo. Pinagdikit ko ang noo namin bago ko siya halikan ng mariin sa pisngi. "Everything will be alright, trust me."
Nauna akong bumalik sa manila para ayusin lahat. I start with talking to mom, hindi na ako tutuloy sa pag-alis, malaman man ni daddy wala na akong pakialam. Kung kailangan kong magtrabaho mula madaling araw hanggang gabi para masuportahan ang mag-ina ko gagawin ko. I will have my rehabilitation here, I will be present all throughout Cayenne's pregnancy. I want to hold her hand when she delivers our baby. I want to be there in every firsts of our baby—
Marami na akong plano na binuo sa isip ko hindi ko pa man naaamin sa kanya lahat ng nagawa kong mali. I will ready my face for her slap— pati na rin sa kung anong pwedeng gawin ng pamilya niya sa akin. But whatever happen ilalaban ko talaga sila ng anak namin. Ibababa ko ang pride ko kung kailangan kong magmakaawa at umiyak, walang problema.
"No, Abraham, no! You will go fly to California. Finish the rehabilitation and go back here. I can't allow you to stay at mas sirain ang sarili mo. We almost lost your sister, hindi ko hihintayin na makita rin kita na nag-aagaw buhay."
Palakad-lakad si mommy sa harap ko habang ako nakaupo lang at sinusundan siya ng tingin. Sinadya ko siya sa opisina niya para ipaalam sa kanya ang plano ko.
"Mom, I will have my rehabilitation here. Itutuloy ko pa rin naman."
"Your dad will disown you, Abraham!" tumaas na ang boses niya. She was always the compose kind of mother, she never shouts but right now it seems like she can swallow me whole.
"Mommy ginagawan ko naman ng paraan na baguhin ang sarili ko. Can't dad accept what I was? I swear I will never use nor touch any substance ever again. Pagkatiwalaan mo naman ako mommy."
Tumigil siya sa paglalakad. Mariin niya akong tinignan marahil pinag-iisipang mabuti ang dapat niyang gawin.
"No, I'm sorry. I can't risk it, Abe. Nag-aalala ako sa ate mo kung ano na ang sitwasyon niya sa Scoland. Hindi kita mabantayan ngayon—
"Mommy hindi mo naman ako kailangang bantayan na. Please, hayaan mo na ako."
Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. Madaling kausap si mommy ngayon lang siya nagmamatigas. Winaksi niya ang kamay ko, naglakad siya papunta sa desk niya at napainom ng tubig.
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...