Ralph understood but he still checks on me and Stefano. Kumuha na ako ng yaya ni Stefano lalo at pang-umaga na ang trabaho ko.
It's my rest day at walang pasok si Stefano. Sinubukan ko siyang kausapin pero pagkatapos naming mag-umagahan ay nagkulong siya sa kwarto.
"Yaya, kumusta si Stefano sa school? Wala naman siyang nakakaaway?"
Nag-aalala na ako sa anak ko. Ayaw na niyang dumalaw kina Kuya Adi, hindi na rin siya lumalabas sa kwarto— he doesn't talk to me either and if he does palagi siyang sumisigaw at mainit ang ulo. Natatakot ako na lumalaki siya kagaya ng tatay niya.
"Okay naman po Ma'am. Tahimik lang po si Stefano pero magaling din naman sa school. Perfect sa exams nga eh," tila nagyayabang na sabi ni Yaya Nora. Only two weeks with us and she gets along with Stefano, it hurts me to think na napapalayo sa akin ang loob ng anak ko.
"May sinabi ba siya bakit parang nagtatampo siya sa akin?"
Napatigil siya sa pagwawalis. Napakamot siya sa likod ng tenga niya at nahihiyang tumango.
"Anong sinabi niya?"
Napatingin siya sa pinto ng kwarto ni Stefano. Bumuga siya ng hangin at parang nag-aalangan. "Gusto niya raw po makita ang daddy niya, Ma'am. Pumupunta kasi si Sir Abraham sa school, umiyak nga si Stefano kahapon kasi hanggang gate lang si Sir Abraham at may pinaabot lang sa akin na pagkain para kay Stefano. Nagsabi si Stefano na lalabas siya pero si Sir Abraham mismo nagsabi na hindi muna pwede. Kawawa nga si Stefano ma'am kasi gusto niya lang daw mayakap ang daddy niya gaya daw ng ginagawa ni Cairo at ni Sir Adiel."
Para akong sinuntok sa sikmura. Naghahanap ng tatay ang anak ko. May tatay siya sa pitong taon, naging mabuti rin si Kuya Adi sa kanya pero wala na 'yon ngayon. I can't blame Kuya Adi if he's prioritizing his family, wala siyang obligasyon sa amin ni Stefano, ginagawa niya naman lahat para kahit papano hindi maramdaman ni Stefano na iba siya— pero hindi maiwasan ang insecurity sa anak ko lalo at kilala na niya kung sino ba talaga ang tatay niya.
I made a decision, inisip ko si Stefano at isinantabi ko muna lahat ng galit ko. Pinuntahan ko si Abraham sa apartment niya kung saan niya ako dati palaging dinadala. Anger rise inside me, gusto kong sunugin ang buong lugar pero kumalma ako. This is for Stefano and not for me.
Kumatok ako sa pinto niya. Natawa ako ng mapakla na sa halip na siya ang bumukas ng pinto ay mukhang babae niya— it's different from his fiance— may mga tao talagang hindi na magbabago.
"May kailangan ka?" Ako pa ang sinungitan ng babae. She's wearing a very fitted micro-dress, labas dede pati pwet. Pababa ng pababa talaga ang standard ni Abraham.
"Nasa loob ba si Abraham? I need to talk to him."
"Wala siya sa loob. May binili, kung gus—
"Cayenne?"
Hindi natuloy ang sasabihin niya nang dumating na si Abraham. Pagbaling ko sa kanya ay gusto kong hampasin ng sapatos ang pagmumukha niya. He's on his sweatpants and body hugging shirt— bitbit niya ang gym bag niya kaya sa hula ko ay galing siya sa work out.
Magaling naman pala. He has a woman waiting for him to come home— I wonder if he also impregnated her like he did to me.
"Let's talk about Stefano—" pairap kong tinignan ang babae niya. "Ayaw ko na may ibang makarinig. Paalisin mo muna ang babae mo."
"O—okay—" nataranta siyang may dinukot sa bulsa niya, it's a whole thousand bill. "Thank you Marga. Ipapatawag nalang kita kapag may ipapalaba ako."
Inabot ng babae ang pera. He's really downgrading. It seems like he is paying now to get laid.
"Salamat din. Sa uulitin." Kinindatan pa siya ng babae, muntik na akong masuka.
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...