Napaatras ang lakad ko nang paglabas ko sa auditorium ay tumambad ang mukha ni Cayenne sa harap ko. I expect to bump with Adiel here pero ang batang 'to hindi. Nilahad niya sa harap ko ang bottled water.
"Pabukas," utos niya sa akin habang binubuksan ang biscuit gamit ang ipin niya. Kunot noo ko lang siyang sinunod.
"Ginawaga mo rito? You don't have any classes around here."
Kinuha niya ang tubig sa akin tsaka ininom na parang uhaw na uhaw. Halos ubusin na nga niya. "Ikaw rin naman kuya ah. Wala kang classes dito pero bakit ka nandito?" she grin like she's very proud saying that come back.
"I have girls here."
She stuck her tongue out like she eat something disgusting. "Basag-ulo ka na nga babaero ka pa. Sinumpa ka ba kuya?"
I should be offended but I just shook my head. I couldn't really process inside my head how unapologetic this kid is. Tsaka hindi ba siya naiilang sa akin? Hindi ako tanga para hindi mapansin na lahat ng anak na babae ng mga kaibigan ni daddy ay ilag sa akin, they think I am a walking dick that will fuck them anytime, anywhere. I am not that dirty. Nang-aasar lang naman ako sa kanila. I wanted to live long, kapag kahit isa sa kanila pinakialaman ko ililibig ako ng buhay ng sarili kong tatay.
"Pauwi ka na ba? Sabay na tayo," aya ko nalang sa kanya. Mukha kasi siyang pagod at halatang maraming nangyari sa kanya ngayon araw. Her hair is tied with a bun pero hindi naman maayos at maraming buhok ang nakakalat sa mukha at leeg. I can even visible see flour on her nails, and that chocolate stain on the collar of her white culinary uniform. She smells like chocolate cake.
"Talaga?" I didn't think it's possible pero nagliwanag ang mukha niya. "I am so tired na rin talaga. May event kami kanina, we have to bake tons of chocolate cupcake tapos bring here kasi it's for the needy. May medical mission kasi diyan sa loob—"
Tuloy-tuloy siya sa pagsasalita na parang akala mo naman talaga pinasan niya lahat ng responsibilidad sa kurso niya. Walang sabi kong kinuha ang tote bag sa balikat niya na sa hula ko ay may mga lamang ingredients. Natigilan siya sa pagsasalita, seryoso niya akong tinignan pero biglang napalitan ng ngiti 'di kalaunan. "Thank you Kuya Abe. Masakit na rin kasi braso ko. Mabait ka naman pala kahit papano."
She's been talking about Adi and Milan all through our drive home. Pakiramdam ko nga alam na alam ko na rin ang nararamdam ng dalawa sa isa't isa dahil sa kwento ni Cayenne.
"You're so fond of their love life, wala ka bang sariling love life?" I couldn't stop but cut her off. Para kasing wala na siyang alam topic kundi ang bestfriend niya at ang kapatid ko.
"Meron—" bulong niya pero nahuli pa rin ng pandinig ko. Nang lingonin ko siya ay nakangisi na. "Joke!" pagbawi niya.
"You should focus with your study. Don't disappoint your parents Cayenne," seryoso kong sabi.
Magkatabi lang ang bakuran ng mga bahay namin pero hinatid ko pa rin siya sa kanila. Bumaba pa ako ng sasakyan at hinatid siya sa mismong bahay nila. I saw how Tita Kristen's uplifting spirit turn into displeased nang makita niya ako. She has an issue with me, ayaw yata madikit ang anak niya sa akin. She can chill out, I don't fuck with kids.
"Good Evening, tita."
"Salamat sa paghatid kay Cayenne, Abraham." She smiles hiding her displeased expression. "May ginawa akong snack. Halika, have some muna."
She signal me to their lanai. Napakamot ako sa batok ko. "May inuutos pa kasi sa akin si Daddy, tita. I really need to go home," I rejected her offer.
"Okay," she said not pushing.
Inabot ko lang kay Cayenne ang bag niya tsaka na ako tumalikod. Bago pa ako tuluyang makalabas sa bahay nila ay hinarap ko pa siya. Tita Kirsten seems to be scolding Cayenne. Napabuga ako ng hangin. It's about me driving her home for sure, nagmamagandang loob lang naman ako.
Instead of going home straight nagmaneho ako papunta sa frat house. I suddenly feel little and unwanted, I don't want to entertain it and there is only one thing that can make me feel victorious again.
Si Mick lang at babae niya ang naabutan ko na anong oras pa lang ay nag-iinom na. Matagal ng hindi nakakadalaw si Joaquin at Moira rito, biglang naglaho, baka nagbagong buhay na. Sila pa namang dalawa ang nagturo sa akin na gumamit ng kung ano-anong illegal.
Umakyat ako sa taas kung saan ang dating kwarto ni Joaquin na ako na ang umaakupa. I throw myself to the bed and start with my pot session. Hinayaan ko na namang mawala ang sarili ko, hindi ko na nga maintindihan, wala naman akong problema sa bahay kahit sa ano mang bagay pero parang may kulang na dapat kong punan sa loob ko.
Nakalutang pa ako sa ere kinabukasan nang pagpasok ko sa University. Ramdam ko pa ang espirito ng bawal na gamot sa dugo ko. Nakasalubong ko pa si Cayenne pero hindi ko na pinansin pa at nag-iba ako ng daan. Ayaw siyang palapitin ng nanay niya sa akin, ako na gagawa ng pabor para hindi na sila mahirapan pa. Ako na maglalayo ng sarili ko sa kanila.
Pagkatapos ng klase ko ay dumaan ako sa convenient store para bumili ng canned beer. Walang pasok bukas, gusto kong magpakalasing pero wala rin sa mood para sa party. Palabas na ako nang makasalubong ko si Christian, sabay kaming natigilan at napatingin ng matalim sa isa't isa. I don't have an issue with him before pero binugbog niya si Adi noong nakaraang linggo, hindi ako papayag sa ganoon, ako lang may karapatan manakit sa gago kong kapatid. Nakaganti na kami ni Apollo, we fucked her girlfriend, sister and mother pero nakulangan pa ako.
Gumalaw siya para lagpasan ako pero kaagad napatigil sa sinabi ko. "Adi didn't touch your mother. I did," I provoked him. Wala na sana sa plano ang ganoon, bumigay ng kusa eh hindi pa naman kami marunong tumanggi sa grasya ni Apollo.
He has three other friends with him, napakadali sa kanilang hatakin ako palabas ng convenient store dahil sa hindi na rin naman ako nagpumiglas. Nagpatisunod lang ako sa kanila hanggang sa maitulak nila ako sa halos hindi napapasukan ng sikat ng araw na eskinita.
"Tarantado ka talaga, Saide. Alam mong may koneksyon ang tatay ko sa taas, kahit bugbogin ka namin ngayon na hindi makilala makakalusot kami," pagmamayabang niya.
Kumuha ako ng isang canned beer at binuksan, inubos ko iyon sa isang lagok lang at tinabi na ang iba pa. Tinapon ko sa isang kasamahan niya ang wala ng lamang lata, akmang susugod ang isa nang pasalubongan ko ng sipa sa dibdib. I have few black belts in mix martial arts; judo, taekwando, jujitsu and boxing. Kahit tatlo pa silang pinagtulongan ako ay iilan lang sa suntok nila ang tumama sa mukha ko.
"Sa susunod bago ka magyabang sa akin siguradohin mo muna na kaya mo ako. May koneksyon sa taas ang tatay mo samatalang ang tatay ko ang nagcocontrol sa sinasabi mong nakakataas," bulong ko sa tenga ni Christian habang hawak ko siya sa kwelyo para hindi tuluyang bumagsak sa lapag. Ang dalawa niyang kasama ay nahiya ng bumangon sa natamo nilang suntok at sipa mula sa akin.
Binigyan ko pa siya ng isa pang suntok bago ako tumayo at nagpagpag ng pantalon. Bilang pambawi sa pagpapadila niya ng sapatos sa kapatid ko ay inihian ko siya sa ulo.
Dinampot ko ang kaninang beer na binili ko tsaka ako lumabas sa eskinita. Muntik na akong mapatalon nang mabigla ako kay Cayenne. Nakasandal siya sa poste na nasa corner ng eskinita. May hawak na naman siyang bottled water habang sa loob ng labi niya ay may nilalaro siyang lollipop. Balak ko sana siyang huwag pansinin nang harangin niya ang daan ko.
"Ano na naman, Cayenne," pagod na usal ko.
"Ito naman si Kuya Abe eh. Napadaan lang ako, nakita kitang nakikipag-away. Ito oh—" inabot niya ang tubig, tinignan ko lang iyon. "Baka lang naman nauhaw ka sa pagiging action star."
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...